Gelo's POV
"Kumain ka na lang," walang gana kong tugon. "May kailangan pa akong tapusin. Sabay na kayong kumain ni Mama. Kakain na lang ako kapag nagutom ako."
Tumabi sa akin si Joseph. "Kuya, sorry na sa mga nasabi ko. Hindi ko naman sinasadya. Nadala lang naman ako ng emosyon. Sorry na, please?"
I know my brother since we were young. Nakita ko kung paano siya lumaki na palikero sa mga babae. Ang daming nagkakagusto sa kaniya lalo na nang tumungtong siya ng high school. Pitong taon ang tanda ko sa kaniya kaya nang manganak si Mama, halos ako na ang nag-aalaga sa kapatid ko. Tatlong buwan pa lang sa tiyan ni Mama si Joseph nang mawala ng tuluyan si Papa. Halos hindi ko rin naman nakakasama si Papa. Hindi ko alam kung anong pakiramdam na magkaroon ng ama kahit pa may isip na ako nang mamatay siya. Isang beses lang sa isang buwan lang kung makita ko siya. Wala akong maalala na may araw na naipasyal niya ako o nakasama man lang siya sa kaarawan ko.
Nang mamatay si Papa, ako na ang tumayong padre de pamilya ng tahanan namin. Sa edad kong trese ay nagsimula na kong magtrabaho para matulungan si Mama. Sinisikap ko rin na tulungan ang kapatid ko. Kapag may field trip sila noon, todo kayod na ako bilang barker at kargador para lang makasama siya at hindi mapag-iwanan. Ayaw kong maramdaman niya ang inggit ko sa mga kaklase ko noong bata pa ako.
Nang magkatrabaho na ako, ibinigay ko lahat ng luho nila. Binibigay ko lahat sa kapatid ko. Basta sabihin niya lang na kailangan niya ng pera, ibibigay ko. Ang gusto ko lang, makapagtapos siya ng matiwasay. Ayaw ko muna siyang mag-girlfriend dahil mapusok siya masyado. Wala na nga sa isip ko ang ideya na virgin pa ang kapatid ko.
Pakiramdam ko lang parang trinaydor ako. Sa mga salitang sinabi niya na alam ko namang totoo pero nasasaktan pa rin ako. Kasalanan ko bang ipinanganak akong pangit? Hindi naman ako makakapag-desisyon sa loob ng tiyan ni Mama kung magiging gwapo ako o hindi. Ito ang ibinigay, ito ang totoo.
Hindi ako sumagot sa kaniya. Hinayaan ko siyang mapagod kakahintay sa magiging tugon ko. Wala ako sa mood na makipag-usap. Kahit pa alam kong pangit ako, mas matanda pa rin ako kaysa sa kaniya. Kuya niya ako. Kapatid, kadugo.
Narinig ko ng pagbuntong hininga niya. Hindi kalaunan, lumabas na rin siya sa silid. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Hangga't maaari, ayaw ko talaga na magkaroon ng awayan sa pagitan naming magkapatid. Hindi ko lang talaga ma-digest ang mga sinabi niya kanina.
Hindi sapat ang sorry. Hindi pwedeng sorry lang.
Joseph's POV
"Mama, ayaw kumain ni kuya," sabi ko kay Mama. "Huwag na lang po nating pilitin."
Binitawan ni Mama ang cellphone niya kung saan siya palaging nanonood ng mga drama. Lagi siyang tutok na tutok doon. Nakakalimutan niya nga palaging magluto o kaya maglaba. Pero hindi niya nakakalimutang magbayad ng kuryente. Dahil kapag naputulan kami, hindi na rin siya makakanood.
"Ano bang nangyari sa inyo ng kuya mo? At sino ring sumuntok sa'yo?" tanong ni Mama. Mapagbanta ang tanong niya. Tipong kapag hindi ako sumagot, may mababaling hanger sa katawan ko.
"Pumunta po ako sa bahay nila Ella bago umuwi," panimula ko. "Tapos nagalit sa akin 'yong kuya niya na si Poncho at sinuntok ako sa mukha. Ma, gustong-gusto ko si Ella kaya pumunta ako roon. Tapos dumating si kuya at sinundo ako roon. Iyon lang po."
Kumunot ang noo ni Mama. "Sa lahat ba naman kasi ng magugustuhan mo, bakit si Ella pa? Alam mong istrikto ang mga magulang no'n. Lalo na ang kuya niya. Paano kung binugbog ka ng kuya no'n? Paano kung pati kuya mo ay idamay ng mga 'yon?"Napayuko ako. "Sorry po."
Hinawakan ni Mama ang kamay ko at marahang pinisil. "Anak, hindi kita pinagbabawalan na magkagusto. Ikaw 'yan, eh. Ikaw ng nakakaramdam kaya hindi ko maaaring pigilan. Pero anak, magtapos ka muna ng pag-aaral. Dalawang taon na lang naman. Ang kuya mo, hindi pa nagkaka-girlfriend dahil inuuna tayo. Simulan mong manligaw kapag may sarili ka ng trabaho at ang pera na gagamitin mo sa pagbibigay ng regalo ay hindi na galing sa kuya mo."
Marahan lang akong tumango. Maraming mga ideya at konsikuwensiya na pumapasok sa isip ko. Tama naman si Mama sa lahat ng sinabi niya. Si Kuya talaga ang nagtataguyod sa pamilya namin ngayon. Dapat nga sigurong magtapos muna ako ng pag-aaral. Ayaw kong mag-away kami ni kuya. Lalo na ngayon na hindi maganda ang timpla niya dahil sa mga nasabi ko.
Mali ako at aminado ako. Gusto kong magkabati na kami ni kuya kaya nga nag-sorry agad ako kanina. Hindi ko lang alam kung kailan niya ko mapapatawad. I went too far. Hindi ko iyon dapat sinabi pero wala na, nasabi ko na.
Kumain na lang kami ni Mama. Ako ang naghugas ng pinggan. Naligo rin ako. Kinakabahan kasi akong pumasok sa kwarto namin ni kuya. Damang-dama ko kasi na galit siya at hindi ako sanay. Bago kami matulog, kukumustahin niya muna ang araw ko tapos papangaralan ako. Pero mukhang walang gano'n ngayong gabi.
Mag-aalas onse na ng gabi nang mapagpasiyahan kong pumasok na sa kwarto at matulog. Nakita ko si kuya na nakahiga na. Nakaharap siya sa may pader at hindi ko alam kung tulog ba siya o gising. Hindi si kuya 'yong tipo na magse-cellphone muna bago matulog. Tatapusin niya lang muna ang gagawin niya tapos tulugan na.
Humiga na rin ako sa kama ko. Tumitig lang ako sa kisame. Hindi ko makapa ang antok. Alas nuwebe pa naman ang unang klase ko bukas pero hindi ako pwedeng mapuyat. Tumagilid ako at nakita ko lang ang nakatalikod na si kuya. Nakatulog na lang ako na umaasang may maririnig na good night mula sa kaniya.
Nagising ako ng ala sais ng umaga. Maglalakad lang naman ako papasok sa university pero inaabot din ng halos thirty minutes ang paglalakad. Lumingon agad ako sa kama ni kuya. Wala na siya roon. Maayos na nakatupi ang kumot na ginamit niya at nakasalansan ang tatlong unan na gamit niya.
Nagkusot muna ako ng mga mata bago nagligpit ng tulugan. Humikab pa ako at lumabas na ng kwarto matapos patayin ang ilaw. Dumiretso agad ako sa kusina. Naamoy ko kaagad ang sinangag na niluluto ni Mama. May kape at pandesal na rin sa lamesa. Nagtimpla muna ako ng kape ko bago ako umupo at dumukot ng isang pandesal.
"Mama, si kuya po?" tanong ko. Humigop ako sa kape ko. "May binili po ba siya? Bakit wala po siya? Maaga pa naman, ah."
Bumuntong hininga si Mama. "Umalis na 'yong kuya mo kaninang mag-aala sais pa lang. Ang aga niya ngang nagising at bumili pa ng pandesal. Busy siguro sa trabaho kaya maagang umalis," Hinain ni Mama sa harap ko ang sinangag na may kasama ng hotdog. "Kumain ka na lang dahil may pasok ka pa mamaya."
Tahimik akong kumain. Napatingin ako sa upuan kung saan palaging umuupo si kuya tuwing mag-aagahan. Magkakape siya tapos sabay kaming kakain. Papaalalahanan niya na ko at guguluhin niya pa ang buhok ko bago siya umalis ng bahay.
Pero mukhang wala munang gano'n. Magkakaroon pa ulit kaya?
Sandrei's POV
Kakatapos ko lang maligo dahil papasada ako. Halos pasara pa lang ang bar dahil bukas ito hanggang ala singko ng umaga. Laging maingay at nasanay na lang ako na gawing pampatulog ang ingay ng tugtog at ingay ng mga tao.
May isang kwarto na nakalaan para sa akin at kay Mamang. Double deck ng tulugan namin ni Mamang. Narito na rin sa kwarto ang kusina at banyo namin. Malaki naman kasi ang kwarto at laging malinis.
Nagpunas ako ng buhok saka nagsuklay. Itinirintas ko ang buhok ko para hindi iyon humambalang sa mukha ko kapag nag-drive ako mamaya. Habang nakaharap ako sa salamin ay bumukas ang pinto at pumasok si Mamang. Makailang beses siyang humikab bago padapang humiga sa tulugan.
"Mamang, almusal na muna kayo. Bumili po ako ng almusal natin," Tumabi ako kay Mamang. "Kumusta po kayo? Mukha po kayong pagod na pagod."
Kahit naman kasi mapuyat si Mamang noon dahil sa oras ng trabaho sa bar, hindi siya nagkakaganito. Lagi siyang nakangiti kahit pagod na siya sa pag-aasikaso.
"Kailangan ko na talagang makahanap ng mga dancer na mas bata, anak," Tumihaya si Mamang saka yumakap sa baywang ko. "Sabi ng mga costumer kanina, ayaw na nila sa mga dancer. Hindi na raw sila ginaganahang manood."
Biglang may ideyang pumasok sa isip ko. Hindi ko nga lang alam kung maganda iyon o ikagagalit lang ni Mamang.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Mamang, mag-dancer na lang muna kaya ako sa bar? Gusto ko pong makatulong."
TinTalim
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?