Sandrei's POV
"Huwag ka ng umiyak, anak," pag-alo sa akin ni Mamang. "Wala siyang karapatan na sabihin 'yon sa'yo."
Yumakap lang ako lalo kay Mamang habang umiiyak. 'Yong huli kong iyak ay noong umalis pa ako sa bahay namin. Nasa biyahe ako noon at umiiyak ako sa tuwa dahil nakalayo na ako sa mga magulang ko na halos ibenta na ako.
Parang bago sa akin ang pag-iyak ko ngayon. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Ang sikip sa dibdib kahit flat chested ako. Wala akong magawa kanina. Natakot ako kay Gelo. Ibang-iba siya kanina. Gusto kong magpaliwanag kaso alam kong hindi niya ako papakinggan.
"A-Ano na pong gagawin ko, Mamang?" umiiyak kong usal saka pinunasan ang sipon ko na nakikipagsabayan sa pagtulo ng mga luha ko.
"Eh 'di hayaan mo muna. Ganiyan talaga ang mga lalaki," Pinunasan niya ang luha ko. "Nawawala sa sarili kapag nagagalit. Mawawala rin siguro ang galit no'n. Saka kung kaibigan talaga ang turing niya sa'yo, siya mismo ang pupunta sa'yo at hihingi ng tawad tapos hahayaan ka niyang magpaliwanag."
"Paano po kung iwasan niya na ko ng tuluyan? Pandirihan?"
Tinapik ni Mama ang likod ko. "Kagaya ng sabi niya sa'yo, nadidismaya siya. Syempre kasi ang sabi mo sa mall ka nagtatrabaho tapos sabar pala. Saka sinabi niya ba sa'yong nakakadiri ka? Galit siguro siya dahil nga nagsasayaw ka sa harap ng maraming tao."
Tumango-tango ako saka humiga at ginawang unan ang hita ni Mamang. "Bukas na bukas, hahanap na po ako ng ibang trabaho. Hindi ko po kaya na magkagalit kami ni Gelo ng ganito."
Alam ni Mamang lahat ng nangyari. Bukod sa kinuwento ako ay narinig pala nila sa kabilang kwarto. Hindi naman nagalit si Mamang kay Gelo dahil mukhang nag-aalala lang 'yong tao. Paano na 'to? Uuwi pa ba ko sa apartment niya?
"Mamang, pwede po bang dito na muna ako matulog?"
Gelo's POV
Pumasok ako sa apartment ni Cindy gamit ang extra na susi galing kay Aling Tessy. Inihiga ko siya sa may sofa. Balak ko na ring pumunta agad sa apartment ko. Naiinis pa rin ako at baka kapag natulog ako ay kalmado na ako paggising ko.
Aalis na sana ako nang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Cindy. Bahagyang nakabukas ang mga mata niya. "Huwag kang umalis, Gelo. Dito ka na matulog."
Pinalis ko ng marahan ang kamay niya. Inayos ko rin ang ulo niya sa pagkakahiga saka ko siya kinumutan gamit ang kumot sa may couch. "Good night."
Tahimik akong lumabas sa apartment niya saka pumasok sa apartment ko. Pabagsak akong umupo sa sofa saka isinandal ang likod ko. Pagod ang pakiramdam ko. Mas nakakapagod ang tagpo sa pagitan namin ni Drei kanina kaysa sa pagpasan ko kay Cindy mula sa bar pauwi.
Naguguluhan ako sa sinabi ni Cindy pero hindi ko magawang ituon doon ang isip ko. Naiinis ako lalo kapag naaalala ko 'yong pagsayaw ni Drei doon sa bar. Sobrang nakakadismaya. At syempre, nag-aalala rin ako. Paano kung may mambastos sa kaniya roon? Sa mga kanto pa nga lang ay may mga nambabastos na sa kaniya, doon pa kaya.
Kinuha ko ang cellphone ko saka nag-text kay Mama na maaga akong uuwi sa bahay bukas. Nagulat ako nang mag-reply si Mama. Mukhang gising pa siya kakanood ng mga drama.
Linapag ko ang cellphone ko sa lamesa saka tumingala. Kumukulo ang tiyan ko sa gutom pero wala akong lakas na tumayo. Kahit pag-inom ng tubig ay tinatamad ako. Tumawag na lang ako sa trabaho na magli-leave ako bukas. Tatlong araw din 'yon dahil damay ang day off ko. I badly need a break.
Tumingin ulit ako sa kisame. Tumulala roon. Iniisip kung uuwi ba ngayon si Drei. Siguro hindi. Kung magkikita kami agad, baka galit siya sa akin. I am also at fault. Hindi muna ako nakinig. Damn, why is this happening to me? Parang kaninang umaga lang ay sobrang saya ko pa dahil sa successful presentation tapos biglang ganito na.
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?