Gelo's POV
Ilang araw na lang at meeting na. Ako ang representative ng lahat ng accountants. Kinakabahan ako at hindi mapakali. Gabing-gabi na ko nakauwi. Naabutan ko na nga lang si Sandra na natutulog sa may sofa. Hindi ko na rin nakasabay umuwi si Cindy kahit inaya niya ko. Pressured talaga ko dahil tatlong araw na lang.
Napahikab ako. Ala una na pala ng madaling araw. Pinipilit ko pa ring tapusin ang presentation ko. Gusto ko kasing mag-practice na lang sa mg matitirang araw. Sumasakit na ang ulo ko. College pa ko no'ng huling beses akong magpuyat ng ganito. Puputok na naman mga pimples ko nito.
Napangiti ako nang kusa nang may maglapag ng kape sa tabi ko. "Magkape ka muna. Naalimpungatan lang ako tapos nakita kong gising ka pa. Ano ba 'yang ginagawa mo?"
"Presentation para sa meeting. Tatlong araw na lang 'yon," sagot ko kay Sandra na nakatayo sa may likuran ko. "Bakit ka naalimpungatan? Nanaginip ka o may iba ka bang kailangan?"
Umupo siya sa tabi ko dahil mahaba naman 'yong upuan. "Naiihi ako kaya ako nagising. Tapos nakita kong gising ka pa."
Tumango ako saka nagpatuloy sa pagta-type. Napahinto lang ako nang magsalita siya. "Mamayang gabi, aalis ako. Baka kinabukasan na ko makauwi. May kailangan lang akong asikasuhin."
Tumango lang ako dahil wala naman ako sa lugar para magtanong. Baka makikipag-inuman lang siya o kung ano. Kahit pa curious ako, nanatili na lang akong tahimik. Naramdaman kong nakatingin din siya sa ginagawa ko.
Naramdaman ko na lang na may nakasandal na sa balikat ko. Tiningnan ko siya at nakatulog na pala siya. Payapa ang mukha niya. Hindi mukhang siga. Hindi mukhang basagulera. Hindi mukhang babaeng sanay sa kanto at inuman. Maganda talaga siya. There's no doubt about that. Kung magdadamit siya ng pangbabae ay mas lalo siyang gaganda. Pero okay naman siya ngayon. Kahit walang baguhin sa kaniya ay maganda pa rin.
Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Marahan kong inalis ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa 'kin. Tumayo ako saka siya binuhat. Hiniga ko siya sa kama at kinumutan. Inayos ko ang buhok niya saka bumalik sa kinauupuan ko. Humigop ako sa kape at parang komportableng humagod ang init no'n mula sa bibig ko pababa sa lalamunan.
Sinimulan ko ulit na magtipa hanggang sa hindi ko na alam kung anong oras na ba.
Sandrei's POV
Nagising ako na nakahiga sa malambot na kama. Nakita ko ang oras sa wall clock. Ala singko na ng umaga. Napatingin ako sa paligid saka ko lang napansin na kwarto pala 'to ni Gelo. Bumangon agad ako tapos nakita ko siya na nakatulog na habang nakayuko sa may lamesa. Kinuha ko ang kumot saka siya kinumutan. Mukhang nakatulog na siya kakagawa no'ng presentation.
Lumabas na ko sa kwarto niya at dumiretso sa kusina. Magluluto na muna ako ng almusal. Maglilinis din ako. Mamaya ko na lang siya gigisingin. Ala syete pa naman ang pasok niya. Ang lapit-lapit lang naman no'ng opisina nila. Nagprito ako ng itlog na may patatas saka naggisa ng hotdog na may ketchup. Nag-sinangag din ako ng tirang kanin kagabi.
Bumalik ako sa kwarto niya at hinandaan siya ng damit. Pota, ang nanayin ko naman. Pinunuan ko pa talaga 'yong mga timba sa banyo. Pakonsuwelo 'to kasi pinatulog niya ko sa kama niya. Saka puyat siya. Baka imbes na maligo siya ay matulala siya sa loob ng banyo.
Ala sais na ng umaga nang gisingin ko si Gelo. Pupungas-pungas pa siya. Mas pangit pala siya kapag bagong gising. Ang sarap pisilin no'ng mga tigyawat niya ng isa-isa. Nagsandok na ko para sa aming dalawa nang huminto na ang paglagaslas ng tubig sa banyo. Tatawagin ko na sana si Gelo pero nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakatayo at nagkukusot ng mata. Tangina, tuwalya lang kasi nakatakip sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?