Gelo's POV
I am hesitant to open the door. Ang payo sa akin ni Joseph ay kausapin ko na raw agad si Drei para hindi na tumagal. Syempre kasi mas marami siyang alam sa mga babae kaysa sa akin. I guess, being workaholic is also bad in some ways.
Malayo 'yong binilhan ko ng bouquet but I know, this is going to be worth it. Hahawakan ko na sana ang doorknob pero biglang bumukas ang pinto. Napaatras ako dahil akala ko ay may lalabas. Nagulat na lang ako dahil ang babaeng hinihintay ko pala ang nagbukas ng pinto. Inayos ko kaagad ang itsura ko.
"G-Gelo?"
Ngumiti ako saka inabot sa kaniya ang pumpon ng mga bulaklak. Although baka hindi siya sanay sa ganito pero gusto kong gawin ito para sa kaniya. Para humingi ng tawad at para makapag-usap kami ng maayos. "Hi, Sandra."
Kinuha naman niya 'yong bulaklak kaya mas lalo akong napangiti. Nakita ko pa ang bahagyang pamumula ng magkabila niyang pisngi kahit yumuko na siya. "Salamat dito. Bakit ka nga pala nandito?"
Napakamot ako sa batok ko. Kanina pa ko rito tapos ngayon pa ko kinabahan at nawalan ng sasabihin. Come on, Gelo! You can't miss the chance. "I want to tell you something and I want us to talk. I hope you don't mind."
Tumango siya saka kami nagsimulang maglakad. Dala-dala niya pa rin 'yong bouquet. She refused to leave it inside the bar and we both decided to take a walk. I found her cute while she's hugging the bouquet in her arms. Parang ngayon lang may nagbigay ng ganoon sa kaniya.
She's wearing her usual clothes. Oversized shirt, baggy shorts, and a pair of slippers. Naka-ponytail lang din ang buhok niya pero ang ganda niya pa rin. She's beautiful without those sexy clothes and overflowing make-up. She's just fine with anything. I guess that's the reason why I am so attached to her.
Magsasalita na sana ako pero binalik niya ring magsalita. Sabay kaming natahimik at napahinto sa paglalakad. Parang may ritmo sa galaw namin na sabay pa kaming tumingin sa isa't-isa.
"Sorry!" magkasabay naming usal. Agad kaming napaiwas ng tingin at naglakad na lang ulit. Damn, this is really awkward. Samantalang kapag magkasama kami sa apartment noon, wala namang hiyaan. Normal na normal lang tapos ngayon pa kami nagkakaganito. But maybe this is one step to betterment.
"Can I go first?" tanong ko sa kaniya. Huminga ako ng malalim nang tumango siya. "I am very sorry for what I said that night. Even for what I reacted on what I saw. Nagulat lang ako saka nag-aaalala ako sa'yo. I didn't mean to hurt you and you know, hinintay kitang umuwi. But I understand na ayaw mo pa kong makita no'n. I overreacted. Dapat pinagpaliwanag muna kita. Sorry talaga, Drei. I really— hey, don't cry."
Humarap ako sa kaniya at yinakap siya nang magsimula siyang humikbi. Damn, ayaw ko siyang paiyakin. Nandito ako para makipag-ayos. May nasabi ba akong mali? This is really difficult than making financial reports!
"Gago ka kasi, eh," sabi niya saka yumakap na rin sa 'kin. "Natakot kaya ako sa'yo no'n. Iyak ako nang iyak pagkatapos kasi para kang tanga. Akala mo leading man ka sa nobela kung maka-react.
Natawa lang ako sa sinabi niya saka hinagod ang buhok niya. Yinakap ko na lang muna siya at hinayaang umiyak hanggang sa kumalma na siya. "I'm very sorry. Makikinig na ko at hahayaan na kitang magpaliwanag. You can explain next time or anytime you want. I'll wait."
Humiwalay siya sa yakap at nagpunas ng luha. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko na suggestion din ng magaling kong kapatid. Effective raw magdala ng gano'n kapag makikipag-ayos.
Hinawakan ko ang kamay ni Drei na ginagamit niya sa pagpupunas ng luha niya. Ginamit ko ang panyo para tuyuin ang mga luha niya. Pulang-pula ang mukha niya maging ang ilong niya. Ngayon ko lang din napansin na namamaga ang mga mata niya. Shit, kasalanan ko 'to, eh.
BINABASA MO ANG
Ugly Love of Us (Completed)
RomanceA man and a woman with different personalities, views in life, attitude and appearance. An ugly softie and a harsh lady. What will be the ending of this common story? Or is it really common?