Chapter 44

3.6K 129 23
                                        

Hailey's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, naging okay na kami ni maam at bumalik kami sa dati. Masaya, puro asaran, kulitan, na hinihiling ko sana'y hindi na matapos.

Pero geez kinakabahaaan na akooo. Nagchat na sakin sina Janah, Jaimee , Andrea at Savannah. Papunta na daw sila sa hotel kung saan gaganapin. So kung di nyo natatanong, today is the daayyyy!!!!!

IT IS OUR JS PROM TODAYYY!!!!

AND ALSOOOO FEB. 14, VALENTINES DAAYYY!

AT KINAKABAHAN AKO KASI PAPUNTA NA SILA SA HOTEL, PERO HETO AKO, NAGBIBIHIS PALANG! DAMN IT

"Yaaaaa, ung heelssss koo poooo nasaaaann" sigaw ko sa katulong namin na agad din namang umakyat habang dala-dala ito.

"Ay eto, eto na, nak oh" hinihingal na sabi nya habang halata din naman ung kaba sa kanya na para bang naririndi na din sya sa pagp-panic ko

Andito sina Tito randy, bakla sya and professional make up artist. Andito din sila Tita Belle, may ari ng isang famous botique sa US at talagang ipinagtahi nya pa ako ng sarili at napakagandang gown o dibaaa kaya no worries.

Pero deep inside, *panic

Pero di ko pa din maiwasang malungkot sa isiping wala dito sina mommy and daddy para makita ako ng personal.

"Omg my niece! Walang kaduda-duda! Pamangkin nga kita. Look. You're beautiful, you looks like an angel. Magkamukha tayo!"

Ibinigay sakin ni tito randy ung salamin para makita ko ung mukha ko kasi di ko pa talaga nakikita kasi nga nagmamadali na ako. Pagkatapos kasi ako make up-an agad ko nang hinagilap ung gown ko para makapagbihis na because damn I am so fucking late!

Napangiti ako sa harap ng salamin dahil sa magandang ayos sakin ni Tito randy. Pero natawa ako sa pagkukumpara nya samin. I prefer to say, na mas pogi sya, hindi maganda lol.

"Thank you, Tito Rands. You're the best" hinalikan ko sya sa cheeks nya at agad isinoot ang heels kong kumikinang-kinang pa.

"You're tito randy is right. You really looks like your mom. You're beautiful. So di na ako magtataka kung maraming nanliligaw sayo"

Btw Tita belle is Mom's older sister. Sobrang close nilang dalawa and mabait din to si tita belle. Wala syang anak at asawa. Sakit daw kasi sa ulo ung mga lalaki.

Pero ehem. Nabakuran na po ako tita ehe enebe.

Nakuha na ng isang masungit at striktong napakagandang teacher ung puso ko.

Damn corny

Napangiti nalang ako sa isiping makikita ko nanaman sya.

"Nakoo, my niece. Your smile says it all. Don't worry di ka namin isusumbong kay mommy mo. " pang-aasar pa ulit ni tito rands

"Ngwe, wala po, tito noh. Tara na nga po" natatawang sabi ko nalang sa kanila.

Agad na kaming bumaba sa first floor. Pero di ko inaasahan ung makikita ko.

"M-mom? Dad?"

Lumapit silang dalawa sakin at agad akong niyakap.

"Baby, you're so beautiful" teary eyed na sabi ni mom

"And I agreed. You really looks like your mom"

Hindi ko alam, pero parang nagbago si dad. He usually wearing his serious face, but look at him right now. He's smiling from ear to ear and his face.

It looks like.... he's amazed and proud.

Napaluha ako dahil sa nakita ko. Matagal ko din inasam-asam na makita ung ganyang reaction sa kanya. All my life, never nya pinaramdam sakin na enough ako, pinapagalitan nya ako sa maliliit na bagay. But look at him right now

My Strict Professor Where stories live. Discover now