Hailey's pov
Andito ako ngayon sa bahay nila Janah dahil may importante daw silang sasabihin ni Diego. Nagtataka din ako kasi bakit wala dito sila jaimee, andrea, kat at sav. Di ko tuloy maiwasang magisip ng kung ano ano. Isama pa na nakatingin lang sakin ngayon si Janah at Diego na akala mo ay NBI.
"O-kay uhm, why are you two looking at me that way??? Anong trip nyong dalawa ha?" Naka crossed arm na sabi ko bago agad umupo sa couch nila janah
Parang sira ung dalawa pano ba naman naka crossed arms din tapos nakataas kilay pa pareho habang titig na titig saken. Tsk.
"Hailey Marie Saavedra, tatanungin ka naman at pawang katotohanan lang ang isasagot mo samin."
Maang na napa okay nalang ako dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila ganyan.
"First things first gurlash, bakit lutang at walang gana ka these past few days"
Inikutan pa ni Diego ung couch na inuupuan ko habang sinasabi ung mga salitang yan.
"Ahm, kasi wala ako sa mood??" Patanong na sabi ko sa kanila.
Pero totoo naman sinasabi ko e. Wala ako sa mood these past few days.
"Be specific, Hailey. Wala ka sa mood kase??" Nanghahamong tanong naman ni Janah.
Wtf???? Alangan naman sabihin kong kasi may nangyayaring kung ano sa pagitan namin ni Maam Mandy.
"Kasi ihm. Teka nga! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ha? Diretsuhin nyo nga ako tsk." Napatayo nadin ako sa inis. Pano ba naman ayaw agad ako diretsuhi-
"You and Maam Mandy"
Yan ang mga salitang nagpatigil sakin sa sasabihin ko. Gulat na napatingin ako kay janah at diego na sabay binigkas ung mga salitang yon.
"Anong-"
"Alam namin kung anong meron sa pagitan nyo ni Maam Mandy."
Pagputol sakin ni janah at naupo narin sa couch.
"You like- no. You love her, dont you?" Sabi naman ni diego sakin.
Pero hindi ko alam kung anong dapat kong ireact sa kanila. At the first place, pano nila nalaman?
Gulong gulo ung isip ko ngayon at sila lang ung makakapagpaliwanag sakin para matahimik ako.
"Pwede bang ipaliwanag nyo sakin?"
Kagaya ng sinabi ko ay ipinaliwanag nga nila simula sa umpisa noong nag sm palang kami at nakita daw kami nila janah at jaimee na magkayakap sa bed ko habang natutulog. Hanggang sa pinakahuli na nakita daw nilang umiyak si maam nung ewan. Hindi na nila itinuloy mga pabitin.
"So yun nga. At may kasalanan kang babaita ka. Bakit hindi mo sinabi samin ha?"
Napayuko ako dahil sa sinabi ni Janah. Well, uhm. Natakot ako? At gusto kong protektahan si Maam Mandy? Kasi alam ko namang mali e. Pero atleast ngayon titigil na ako.
And yes, mali din ako na hindi ako nagtiwala sa mga kaibigan ko.
"Sorry janah, diego. Naisip ko din kasi na baka hindi nyoko matanggap" mahinang sabi ko sa kanya.
"Naman girl, andito ako oh. Isa ako sa lgbt community. Alam mong maiintindihan kitaa" nakakatouch na sabi ni diego sakin kaya niyakap ko sya at nakiyakap na rin si Janah.
"Maiintindihan ka namin lagi, Hailey kaya wag na wag mo nang sososlohin yang problema mo"
Mas niyakap ko naman sila ng mahigpit pero napahiwalay kami sa isat isa nung marinig ko ung pag ring ng phone ko.
YOU ARE READING
My Strict Professor
Storie d'amoreThis story is all about the teacher and student who unexpectedly fell inlove with each other. Is it possible for a teacher to fall in love with her student? Or will the professionalism remain with each other and leave the student hanging, waiting f...