Chapter 52

3.6K 117 26
                                        

A/n- gaiiz, plaay the multimeduaaa aboveee! That is one of my favorite soongg na hinding hindi talaga ako magsasawang pakinggan!!!!!!

Hailey's pov

Pakiramdam ko nakalutang ako ngayon sa ulap. Actually, daig ko pa nga yata ung nasa cloud 9 kasi hindi mawala wala ung ngiting nakapaskil sa mukha ko ngayon.

If you guys wondering where I am, well, I'm at the seaside right now, waiting for the love of my life. It's been 3 days narin simula nung muli kaming magkita at bawat segundong dumadaan ay pinahahalagahan na namin. Ayaw namin na may masayang nanaman na oras dahil lang sa walang kabuluhan naming pag aaway.

Kung naiisip nyo na bakit ganon? Bakit naman sobrang bilis na kakakita palang namin tapos nagkabalikan na kaagad kami.

Isa lang ang masasabi ko. Mahal namin ang isat isa. Simula at sapol naman hindi nawala ung pagmamahal ko sa kanya. Ni hindi nga rin ito nabawasan. At alam nyo ung pakiramdam na pareho kayong naghintay ng matagal, nangulila sa isa't isa sa loob ng ilang taon tapos pag dating ng oras na nagkita kayo sasayangin nyo lang? Para sakin ayoko nang maghintay ulit. Ayoko nang magsayang ng oras. Gusto ko lang ngayon na maramdaman ulit ung saya na tanging sya lang ang makapagpaparamdam sakin. At kung pareho namang mahal parin namin ang isa't isa, para saan pa ang pagpapadami ng kaartehan hindi ba? Na kung tutuusin sobrang dami na ng pinagdaanan namin para lang patunayan na tunay ung nararamdaman namin para sa isat isa.

Second life na namin to. Second chance na rin para bawiin ung mga nasayang na pagkakataon na magkahiwalay kami. Corny man pakinggan pero totoo pala ung pagbubuklodin kayo ng pagmamahal. At kung talagang tunay ang nararamdaman ninyo, maghihintay kayo kahit gaano pa katagal. Maghihintay kayo kahit walang kasiguraduhan na may hinihintay pa kayo.

Seryoso lang akong napatingin sa napakagandang sunset sa harapan ko habang nagf-flash back sa utak ko lahat ng pinagdaanan namin ni maam. It is my ideal date. Makasama ung taong mahal ko sa panood sa paglubog ng araw.

Pero nawala ung pagkakafocus ko sa pinapanood kong sunset nang biglang may humalik sa pisngi ko.

"Ms. Saavedra, here is your coffee, as you wish" ugh. Unti unti ng natutupad ung mga ideal date ko talagaa. Sobrang sarap sa pakiramdam. Ugh. I love coffee. But I love this girl who's holding the coffee 100000000 times more.

"Thank you, mi amor" umupo sya sa tabi ko habang hawak rin sa kaliwang kamay nya ang kape nya at sabay namin pinagmasdan ang papalubog ng araw.

"Who would have thought that this day would come?"

Pagbasag ni maam sa katahimikang nabubuo sa pagitan namin.

"Hmm. You mean us, watching the sunset?"

"No. But us being together again"

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Actually tama naman sya e. Almost 5 years kaming hindi nagkita at sinong mag eexpect na may babalikan pa sya pagkatapos ng mahabang panahon hindi ba? Sinong mag eexpect na ung taong nagmahal sayo noon, mahal ka parin hanggang ngayon.

I am too young when we started dating. But since then, the thought of her being my future, are still the same thoughts I have today.

Ikaw at ikaw parin
Paulit ulit na hihilingin
Kung ako ay papipiliin
Pangalan mo parin aking sasambitin.

Dating pangungulila
Napalitan ng tuwa
Ngayo'y kapiling na kita
Di na pakakawalan pa.

Sa ilang bilyong tao sa mundo
Ngiti mo lang ang aking gusto
At kasabay ng iyong pagiging istrikto
Ang mabilis na pagkabog ng aking puso.

My Strict Professor Where stories live. Discover now