Chapter 48

3.1K 102 48
                                    

Play the multimedia above

Janah's pov

Dalawang taong nagmamahalan
Pagkakaitan pa ba ng pagkakataong maging masaya?

Sabi nila, kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, magtatagpu't-magtatagpo kayo kahit anong mangyari.

Dapat ko bang isipin na ganon ang sitwasyon ngayon ni Maam Mandy at Hailey? Pareho silang nasa emergency room. Ang hirap ipaliwanag ng nangyayari. Sobrang bilis, sobrang hindi inaasahan, biglaan ang lahat.

Ang hirap maging masaya, nakakatakot. Kasi baka mamaya, paggising mo, babawian ka na ng lungkot at sakit.

Ako, Jaimee, Andrea, Diego, Savannah, Kathleen, Kuya Clar, Kuya Carl, Kuya Mark, Aimee, Ate sofia, parents ni Maam Mandy, at parents ni hailey ay kapwa umiiyak, nagdarasal, na sana'y iligtas sila sa kapahamakan at h'wag silang pababayaan.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. H'wag naman, lord. Please. Masyado pang bata si Hailey at Maam mandy para kunin nyo sila sa'min.

Iyak nang iyak ngayon ung mommy ni hailey. Paulit ulit nya sinasabi na hindi man lang nila naiparanas ang maging isang magulang sa kanya.

Lahat, umiiyak, nagdadalamhati, dahil sa mga nangyayari.

"Ang sama sama nating magulang sa kanya Phil. Nasasaktan akong makita na nasa ganitong kalagayan si Hailey. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak natin"

Tahimik lang kaming lahat at tanging mahihinang pagiyak lamang ang maririnig sa paligid namin.

"She'll be okay, Mary. I believe to our daughter. She's strong, I know she'll fight her disease. Of course, we will do anything to save her. We will bring her to U.S. where a lot of best doctors can treat her well. Once the doctor said that she's stable, we'll immediately flight to U.S."

Agad nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa parents ni hailey. Ganon rin naman sina Jaimee, Diego at Andrea na may alam ng tungkol sa relationship nila Maam.

No, no. That is not good. Alam kong mas mapapabilis ang paggaling ni Hailey kapag dinala sya sa US dahil nga nandun ang magagaling na doctor pero damn it. Pano si Maam Mandy? Pano kapag nagising na sya? Pano kapag hinanap nya si Hailey? Oh paano kung.... Paano kung hindi makasurvive si Maam sa operation nya. Pano kung... hindi nila parehong kayanin. Damn it.

"T-tito, uhm sorry po for the interruption. Alam ko pong wala akong rights para sabihin to at alam ko pong gusto nyo po ang best para kay Hailey. Pero sa tingin ko po, kung tatanungin natin sya kung gugustuhin nya bang pumunta sa US, hindi po sya papayag"

Lakas loob akong nagsalita at naramdaman kong napatingin silang lahat sakin, even maam mandy's family.

Naramdaman ko ring lumapit sakin ang mga kaibigan ko bilang pahiwatig na tama ang sinabi ko. Marahil ay pare-pareho lang kami ng naiisip.

Wala naman akong planong sabihin sa parents ni Hailey ang totoong relsyon nya kay Maam. Ayoko naman kasi syang pangunahan sa isang napakalaking desisyon.

"W-what do you mean, Janah?" Tanong sakin ni Tita Mary.

"Uhm tita ano po kasi. I-I think tanungin nyo nalang po si Hailey kapag nagising na po sya pero please. H'wag nyo muna po syang ilayo. Hintayin muna po nating maging okay ang lahat. Ah sige po. Punta muna po kami sa chapel"

Gusto ko sana sabihing hintayin muna nating makapagpaalam sila sa isa't isa.

Nasasaktan ako dahil sa nangyayari. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan. Hindi ko kayang mawala si Hailey.

My Strict Professor Where stories live. Discover now