chapter 24

5K 140 15
                                        

A/n( goiizz, may nakalagay naman kung sang part nyo ip-play ung music and sana talaga iplay nyo. Enjoy readingg.)

Hailey's pov

Andito ako sa pool ngayon at nagmumuni-muni lang dahil sobrang dami nang nangyayari sa buhay ko. 5 pm palang naman pero wala ako sa mood mag swimming ngayon. Ung paa ko lang ung nasa pool habang nagmumusic na din para mas marelax ako.

Ano kayang ginagawa nya ngayon? Tapos na kaya ung class nya? Magcocommute ba sya o may dala ba syang car? Nag iingat ba sya sa pag dadrive? Nag lunch ba sya kaninaa???

Grr, damn it!

Agad kong ipinaling ang ulo ko sa kabilang side para alisin ung mga isiping pumasok sa utak ko.

Nasabi ko na bang tuluyan na kaming hindi nag usap ni maam mandy kapag hindi about school? Hindi rin naman nya ako inaapproach kaya eto. Hanggang tingin nalang ako sa kanya kahit gaano ko pa sya kamiss.

Pero sa ilang linggong yun sobrang tamlay ni maam. Gusto ko umasa na apektado sya sa pagiwas ko? Pero sya na nga mismo ang nagsabi dati na si Kuya Sam lang ung mahal nya.

Pero saturday, last day ng foundation namin, nagkasagutan nanaman kami ni Maam Mandy. Hindi ko nga alam kung anong problema nya at anong trip nya bakit ganon na lang sya umasta at magalit. Pero that time alam kong hindi ako nagkamali. Nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya. Pinigilan ko sya umalis nung makita ko yon pero nagtuloy tuloy lang sya. Nawalan ako ng lakas na habulin sya. Pero tumatak sa isipan ko ung mga binitawan nyang salita at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Flashback

Nagmamadali akong tumatakbo dito sa hallway dahil late nanaman akong nagising kanina, hindi naman kasi tumunog ung alarm clock ko. Nakakainis.

"Hoy girl, nako lagot kaa. Kanina ka pa hinahanap ng beb- este ni Maam, late ka nanaman" hindi ko mapigilang kabahan dahil sa sinabi ni Diego. At wait? Bakit parang iba ung tono ng boses nya? May meaning e grr. Or nababaliw lang talaga ako?

Pero h-hinahanap ako ni maam????

"Tara lets na dali. Infairness, ang sexy mo talaga. Mukhang ready ka na para mamaya ah"

Actually, kinakabahan akoo. Sasayaw kasi kaming mga sbo. May pinractice kami para sa special number bago magtapos ang aming foundation.

Well, kasali si Diego don kasi sya ung treasurer. Pero kinakabahan ako kasi tae! Hindi ako magaling sumayaw tapos ung napili pa nilang sayaw is medyo mabilis, may maangas at meron ding medyo sexy na kailangan kumembot. Tapos naka black short at black sleeveless na top kami. Nagpartner nalang ako ng white na sneakers err.

"Ikaw ung ready bakla oh, naka blush on ka pa" natatawang sabi ko kahit kabado talaga ako. Sira image ko neto tsk. Bat kasi wala na nga akong talent sa pag kanta wala pa akong talent sa pagsayaw.

Pinagpala talaga ako err

Nagmadali nalang akong pumunta sa office ni maam mandy habang si diego naman ay nagpunta muna sa booth namin para maglinis don.

Nakailang katok na ako sa pinto pero wala paring nagbubukas kaya pumasok na ako dito, baka kasi nasa cr lang si maam.

Okay. Poker face. Hindi kayo magkasundo ngayon. Tibayan mo loob mo hàiley.

Uupo na sana ako sa couch nya nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Did I told you to sit down Ms. Saavedra?"

Dahan dahan akong tumingin sa kanya habang naka poker face parin.

"Hinahanap nyo daw po ako, Maam" malamig na sabi ko sa kanya.

My Strict Professor Where stories live. Discover now