Hailey's pov
5 years.
It's been 5 years since I left this country. At sa limang taon na un, wala akong ginawa kundi magpalakas at magpa recover sa sakit ko. And luckily, dahil sa magagaling na doctor sa US, I can say that I am now totally healed. Limang na taon na rin simula nung makita ko ung babaeng pinakamamahal ko na nagpabago ng buhay ko.
Ayoko syang iwan nung mga pagkakataong iyon, pero matapos ko mawalan ng malay, pagkagising ko nasa ibang bansa na ako. Iyak ako nang iyak at pinipilit ko ung parents ko na bumalik dito sa Pinas dahil gusto ko malaman ang lagay nya. Kung ayos ba sya? Nakakain ba sya? Magaling na ba sya? Gusto ko sya alagaan. Kaso wala. Masyadong matigas ang parents ko para bigyang katuparan ang hiling ko.
Alam ko namang nag-aalala lang sila para sa kalagayan ko pero still, di ko mapigilang isipin ang taong mahal ko. Nag-aalala ako.
Pero dahil nga wala na akong magawa, nagmessage nalang ako kay janah at sinabing iupdate nya nalang ako sa lagay ni maam. Kung kelan sya nagising at lalabas ng hospital.
Sobrang hirap sa pakiramdam ng malayo sa kanya, sa totoo lang. Sobrang lungkot, wala akong mapagkunan ng lakas ng loob para labanan ung sakit ko kasi anlayo-layo nya. Hind ko sya nakikita.
Pero ang sinabi ko nalang sa sarili ko non ay 'I have to survive. And once it happened, I will search for her again, and be with her again'
Lumaban ako para sa kanya. Lumaban ako para sa future namin. Kasi sa loob ng limang taon, hindi ako nawalan ng pag-asang magkikita at magkakasama kaming muli.
Hindi naman nawala.
Hindi naman nawala ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi rin ito nabawasan.
Sa halip, mas lalo ko sya kinasabikan.Sa limang taong pangungulila, gusto ko nalang syang yakapin at hagkan sa mga oras na kami'y magkikita.
It's been a week since my parents came back here in the Philippines because my grandmother, on my mother's side passed away because of heart attack. Hindi ako nakasabay sa kanila dahil may kinailangan akong ayusin para sa paglilipat ko ng school.
Dude, it's been 4 years and I am now 20 years old, 2nd year college sa course na dentistry. I decided kasi na mag dentist nalang muna ako bago tuparin ung pangarap kong pagd-doctor.
Before ako umuwi dito sa Pinas, nagpunta muna ako sa isang salon para magpa new look. Alam nyo na. Sa liit ng mundo, alam kong magkikita at magkikita kami. O kung hindi man, ako mismo ang hahanap sa kanya.
I just arrived here yesterday and I am currently staying at one of the 5 star hotel because our house is under renovation. Meanwhile, my parents are on my mother's province to check the properties that my grandma had left.
Actually, I only have one plan for today. It is to visit my grandma at the cemetery where she was burried.
But since I stayed in US for 5 years, hindi ko na masyado alam kung saang lupalop ba ung daan pasikot sikot para makapunta don. So I get my phone to message my boo.
"Hey, D, u busy right now?" -seen
Typing...
"Oh. I'm always free for you, babe. San ba lakad natin ha"
Buti nalang mabilis magreply tong lalaki na'to dahil kung hindi, ipapakain ko sya ng buhay sa alaga kong tigre.
Chos.
Btw, D and I got really close with each other kasi tumira din sya sa us at naging schoolmates kaming dalawa. Since then, we always hangout and check for each other. Nauna sya ng 1 year na umuwi dito sa Pinas dahil dito na sya nag-aral at may kinailangan ayusin ung family nya.

YOU ARE READING
My Strict Professor
RomanceThis story is all about the teacher and student who unexpectedly fell inlove with each other. Is it possible for a teacher to fall in love with her student? Or will the professionalism remain with each other and leave the student hanging, waiting f...