A/n- play the media above. Ulit-ulitin nyo lang goiz hanggang matapos ang chapter na'to mwehehhei. Labyuuu allll
Hailey's pov
It's been 2 weeks since this unknown person talked to me pero lahat ng sinabi nya hanggang ngayon ay hindi parin maprocess ng utak ko. 2 weeks narin nung huli kaming magusap nung babaeng pinakamamahal ko. Araw-araw nya akong tinetext, tinatawagan pero ni isa, wala akong sinagot. Kung nagtataka kayo, 2 weeks na din akong hindi pumapasok dahil sobrang nananakit ung dibdib ko. Yes, may sakit ako sa puso. I have this heart disease called Arrhythmia. It is a heart rhythm problems. Na minsan sobrang bilis ng heartbeat ko, minsan sobrang bagal, minsan harmless minsan naman sobra kung sumakit. Bawal akong mapagod ng sobra at kailangan mamaintain ang healthy lifestyle kaya alalang alala sakin si Jamie nung nagmall kami dati. Bata pa ako, akala ko hindi ako magkakaroon ng normal na buhay. Bawal akong makaramdam ng labis labis na kaligayahan at sakit o kahit anong labis na emosyon dahil baka ikamatay ko pa yun.
Nakakulong lang ako dito sa bed ko buong 2 weeks at katabi ang isa sa pinakamamahal kong nebulizer dahil inaatake din ako ng asthma ko. Pero ngayon, andito ako sa parking lot ng school namin habang hinihintay si Jaimee dahil may paguusapan kaming mahalagang bagay.
Pero hindi ko nanaman maiwasang masaktan sa isiping kailangan kong gawin ang isang bagay na hindi ko inakalang magagawa ko.
"Hailey, wth. Magaling ka na ba? Okay na ba ang pakiramdam mo? Bakit kasi pumasok ka pa e practice lang naman ng intrams ngayon. Baka mapagod ka pa nyan, aish. "
Halata ang pagkairita, pero at the same time ang pag-aalala sa boses ni Jaimee.
Lumapit lang ako sa kanya at agad sinabi ang lahat lahat ng dinaramdam ko ngayon bago kami tuluyang pumasok sa loob ng school.
Tulala lang si jaimee at parang hindi pa maprocess ng utak nya ang lahat ng sinabi ko nang biglang makasalubong namin sa hallway ang babaeng hindi ko inakalang babago sa buhay ko.
Kapwa nakatingin lamang kami sa mata ng isa't-isa, na tila parehong nangungulila sa presensya ng bawat isa.
Alam nyo kung anong gusto kong gawin ngayon?
Gusto kong tumakbo sa kanya, yakapin sya, at umiyak sa mga bisig nya. Gusto kong maramdamang muli ang miinit nyang halik at gusto ko muling makita ang saya sa kanyang mga mata.
Pero ibang maam mandy ang nakita ko ngayon. Halatang puyat dahil sa eyebags at halatang nagulat rin sya na makita nya ako ngayon rito sa harapan nya.
Sa nakalipas na dalawang linggo, walang araw na hindi sya dumadaan sa bahay. Pero hindi ako lumalabas sa kwarto ko, at pinagmamasdan nalamang palagi sa aking bintana ang kotse nyang papalayo mula sakin.
Miss na miss ko na sya.
Miss na miss ko na ang wuv ko.
"H-hailey, can we talk? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit hindi mo sinasagot ung mga tawag ko?"
Narito lang sya sa aking harapan
Ngunit bakit parang ang layo layo nya sakin?Mabuti na lamang at masyado pang maaga kaya wala masyadong tao dito sa hallway.
God knows kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong yakapin sya, halikan sya at hawakan ang mga kamay nya.
"Excuse po, maam. Una na po kami sa room"
Ibinigay ko ang buong lakas ko para banggitin ang mga katagang iyon. Pinilit kong huwag tumingin sa aking likuran para muli syang pagmasdan.
Paumanhin, aking mahal.
Ngunit ito sa tingin ko
Ang nararapat.
YOU ARE READING
My Strict Professor
RomanceThis story is all about the teacher and student who unexpectedly fell inlove with each other. Is it possible for a teacher to fall in love with her student? Or will the professionalism remain with each other and leave the student hanging, waiting f...