Chapter 42

3.6K 142 71
                                        

Janah's pov

It's been 4 days, pero wala pa ding maam mandy na pumapasok. Hindi ko alam kung ano talagang nangyari sa kanila ni hailey. Basta isang araw, nalaman ko nalang na hiwalay na sila.

May pumalit na substitute teacher kay maam pero iba sya. Sya ung gusto namin, sya ung hinahanap namin.

Sa toto lang, hindi ko maintindihan ang nangyayari.

Hailey broke up with her. But look at her right now. She looks miserable without maam mandy. Halos hindi na nga sya nakikipagusap samin, palagi lang tahimik at nakatingin sa table ni maam mandy sa likuran kung saan palaging nakaupo si maam kapag wala syang klase sa ibang section. Minsan naman palagi syang dumadaan sa office ni maam para siguro tingnan kung pumasok na si maam.

Kapag tinatanong namin sya about sa relationship nila, ngumingiti lang sya at sasabihin "all I know is I love her" pero putangina.  Asan ang love dyan? Hindi ko kasi makita.

Isang buong araw nanaman ang natapos, andito kami ngayon sa bahay ni Hailey para tumambay at mang-ubos ng pagkain sa fridge nila.

Magkakatabi kami nila Diego at Savannah. Nag-uusap tungkol kay hailey at maam.

"Pero mga siz. Nawitnezzis ko naman ang labidab story nilez. At sinetch itey nga bang mag-aakala na majujuwi yon sa hakdogz dibez"

Alam kong seryosong usapan to pero di ko talaga mapigilang mapabunghalit ng tawa kaya pinanlisikan ako ni Sav.

Err. Y naman kasi ganyan ang mga language ni Diego. Pero sus. Parang di pa ako nasanay tsk.

"Sa tingin nyo may pinagdadaanan si maam or si Hailey na hindi sinasabi sa'tin? Kasi kung titingnan natin. May mga pasimpleng sulyap talaga silang dalawa eh. Para bang pinipigilan nilang ilabas ung mga tunay na nararamdaman nila. Pero the question is ano yon?"

Napatingin ako kay sav dahil nakuha nya ung atensyon ko dahil sa sinabi nya.

Okay that's it.

Tumayo ako para sundan sa kusina si Hailey at Jaimee na kukuha daw ng pagkain pero inabot na ng isang taon.

Pero hindi ko inaasahan ung makikita ko. Si hailey. Nakayakap kay jaimee habang umiiyak.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila para malaman kung bakit sya umiiyak.

Pero sa hindi malamang dahilan, nakiyakap ako sa kanila at niyakap ng mahigpit si hailey. Hindi ko alam.

Pakiramdam ko kasi sobrang bigat ng dinadala nya. Bihira ko makitang umiyak si Hailey. And I can assure you. Na kapag pumatak ang mga luha nya, sobra na ung bigat at sakit na nararamdaman nya.

"J-janah" mahinang sabi ni Hailey pagkatapos kumalas sa yakap ko.

Tinitigan ko lang sya na parang sinusuri ang kaloob-looban nya.

"Just this time, Hailey. Pwede bang magpakatotoo ka naman sa nararamdaman mo?" Mga salitang lumabas sa bibig ko.

Wala na akong pakialam kung masasaktan ko sya. Pero nahihirapan na din ako e.

"Janah, bumalik ka na don please" narinig kong sabi ni Jaimee. Pero nakatungo lang si Hailey.

"Hayaan nyo akong magsalita. Hindi ko alam kung anong problema kasi hindi nyo naman sinasabi. Nakakasama ng loob alam nyo ba yun? Pero hailey naman. Ano bang iniisip mo? Hindi mo ba napapansin? Nasasaktan mo ang sarili mo at nasasaktan mo si Maam Mandy. Hindi ko nga alam kung bakit bigla ka nakipag hiwalay sa kanya e. At nakipaghiwalay ka para ano? Para iyakan sya kapag hindi mo sya nakikita? Nakipaghiwalay ka para hayaan syang tuluyang mawala sayo? At ngayon. Ano? Nawala si maam. Any idea kung asan sya? Nasatisfy ka ba sa gusto mo? Masaya ka bang nawala sya? Because I exactly see the opposite one. Hindi ko maintindihan kung bakit mo kailangang pahirapan si maam at ang sarili mo. Kung mahal mo sya, bakit hindi mo ipakita? Bakit ayaw mong iparamdam? Ikaw naman tong nagpilit sa kanya hindi ba? Ikaw tong nagsikap na makuha sya tapos sa bandang huli iiwan mo si maam sa ere? Alam mo bang nakikita kong umiiyak sa maam mandy sa office nya kapag wala syang klase? Alam mo bang halos araw-araw kong napapansin na namamaga ung mata nya? Alam mo bang nakikita kong hindi makakain ng maayos si maam? Dahil ano? Inuna mo kasi ung kaduwagan mo. Ano pa? Inuuna mo ung iisipin ng ibang tao? Ganon ba yun, Hailey?"

My Strict Professor Where stories live. Discover now