Chapter 29

3.6K 100 10
                                        

Hailey's Pov

"Omg guurll like maghahanap talaga ako ng papa's dito leytuh enebe" malanding sigaw ni Diego ang nagpatigil sakin sa pagmamasid sa magandang tanawin.

Andito kami ngayon sa tabing dagat habang hinihintay namin na mag 9:00 pm. Guess what? Mag p-pool party kami mamaya at nag reready na din ung ibang mga classmates namin at kanya kanyang soot na ng mga swim suit.

Maya maya na ako magpapalit, 8:30 palang naman, sadyang excited lang sila at kasama na dun si deigo na naka swim trunks na ngayon. Infairness kay bakla, ang ganda ng katawan.

Bigla naman tumayo si kath at andrea at sabay naghubad ng robe na kala mo ay may lalabanang pageant. Parang siraulo talaga ung dalawa. Pero I can say na sexy silang dalawa at agaw pansin talaga ung curve ng waist nila. Pareho silang naka high waist bathing suit kay andrea is color yello samantalang pink naman kay kath.

Katabi naman naming nakaupo si Harvey at savannah na nagkikilitian na parang mga sira. Tss. Pero I dont think magsosoot ng gantong mga swimsuit si jaimee. Hindi naman sa parang nerd sya pero she's not into it. Masyadong dalagang pilipina si jaimee.

"Hail, pinilit kong mag one piece si jaimee. Baka mamaya mag rush guard yan e" natatawang sabi ni janah kaya kinurot ko sya ng mahina

"Epal ka lang talaga, jaja. Dalagang pilipina ako noh. Pero baka tumulo laway mo kapag nakita mokong nag one piece tss" pagirap naman sa kanya ni jaimee habang umaawat nalang ako sa pagitan nya.

Iniikot ko ung paningin ko sa buong paligid at nakita ko si john na kasalukuyan naglalakad palapit dito sa pwesto namin.

No, no, nooo. Wag sana dito pumuntaaa. Baka magtampo nanaman ang wuv koo. err!

Halos itago ko na ung sarili ko, wag lang ako makita ni john pero I guess hindi naging successful yung pagtatago ko.

"Hailey" masaya syang uupo sana sa tabi ko nang biglang sumingit sa gitna namin si Diego at tumingin sakin na parang sinasabi na 'ako ang bantay mo' kaya wala sa sariling napangiti ako. Pero ehem, infairness ang ganda ng katawan ni john.

Gosh! Ano ba naman tong pinag iiisip ko! Nagkakasala ung mata ko e. Aish.

"Hi papi john" maarteng sabi ni diego kaya napabunghalit ako ng tawa. Kita ko in naman si john na tumatawa kaya alam kong hindi sya nainis sa ginawang pagsingit ni Diego sa gitna namin.

"Wag ako diego. Alam mong loyal ako kay hailey tsk tsk" naiiling na sabi nya at umiling nalang rin ung isip ko dahil sa narinig.

Im sorry john, I'm already taken.

"Ano palang ginagawa mo dito, john? Di ka ba hinahanap ng barkada mo?" Pag iiba ko ng topic dahil baka kung san pa mapunta.

"Gusto lang sana kitang ayain maglakad lakad"

Omg! Papayag ba ako? E magseselos ang bebe ko e. Pero kawawa naman ung tao? Ang bait nya sakin? Para makabawi man lang ako sa pagbibigay nya sakin ng neck pillow? Pero ayaw ko namang mag kaaway kami ng bebe ko. Hmp.

"Sorry, john. Next time nalang. Kailangan ko na rin magbihis kasi mag 9 pm na. Mag start na ung pool party natin." Ang talino ko talaga.

Tatayo na sana ako nang biglang inialok ni john ung kamay nya para tulungan ako sa pagtayo. Gentleman sya. Maswerte magiging gf nya. Pero hindi ako yun. Kasi swerte na ako kay Mandy Jace Gomez. Ang selosa kong girlfriend aishhsksksks.

"Thank you. Ahm sige mauna na kami ha. Janah? Jaimee? Diba magbibihis din kayo?" Pagbaling ko sa dalawa at tumalikod na kami para pumunta sa room namin.

My Strict Professor Where stories live. Discover now