Hailey's pov
Booooogggssh!!
Isang malakas na pagsara ng pinto ang nagpatahimik saming magkakaklase na halos mag sigawan na, at isang madilim na mukha na parang any minute ay bubunga ng apoy naman ang iniluwa ng pintuang iyon. Shit mukhang alam ko na kung bakit!!
"Grade 10, hindi ba ang kabilin-bilinan namin ay walang dapat gumalaw o mag adjust ng temperature ng aircon kundi mga teachers at ung mga janitors lang netong school? Ngayon tatanungin ko kayo, panong nasira etong isang aircon na nasa unahan?! At take note, may nakakita sa inyong mga lower grades na para daw kayong mga nakawala sa kural kaninang wala kayong teacher ha?!! Ngayon! Sino sa inyo ang nakasira ng aircon?!"
Katakot-takot na katahimikan ang bumalot sa loob ng classroom namin at halata sa mukha ng isa't- isa ang kaba, miski ako ay sobrang kinakabahan din dahil sa mga nangyayari. Wala ni isa samin ang gustong tagpuin ang mata ng adviser naming punong-puno ng disappointments. Isang dahilan na rin siguro kung bakit hindi namin malabanan ang tingin nyang iyon ay dahil sa guilty kami sa mga nangyayari. Yes, kami. Kasama ako.
We're guilty.
"Ano' walang magsasalita? Walang magtatangkang magsabi ng totoong nangyari?"
Dahan-dahan nyang inilibot ang mata nya samin at parang pigil na pigil talaga syang ilabas ung totoong nararamdaman nya. Alam kong kung hindi nya mapipigilan ung emotion nya ay may masasabi syang hindi maganda dahil sa galit, kaya mabuti nalang at kaya nyang magpigil.
" So wala talagang gustong magsalita? I'll call one person,then and whether you like it or not, sasabihin nyo sakin ung totong nangyari. Dahil kung hindi, bagsak kayong lahat sa ESP nyo. I'm serious Grade 10!! Talagang pinagtatakpan nyo ung kasalanan ng isa't isa noh kaya walang nagsasalita sa tunay na nangyari? At mukhang pati ung mga taong pinagkakatiwalaan ko ay walang balak magsalita, diba officers?!"
Isa isa nyang tiningnan ung mga officers ng classroom mag mula kay Diego na sgt. at arms hanggang sakin na class president. Shit. I'm doomed!! Di ko kinakaya ung tinging ipinupukol sakin ni maam, masyadong matalim. Tumigil sakin ang tingin nya at mukhang parating na ang kinatatakutan ko.
"Can you stand up Hailey and tell me what really happened in this section?!"
Bawat salitang binibigkas ni maam ay madiin at halata ang galit. Pero ang mas ikinakakaba ko ngayon ay wala akong alam kung sino ba ang nakasira ng aircon dahil ugh! I forgot my responsibilities as a president! Naglalaro kami nila Diego at nung iba ko pang mga kaklase that time nung biglang may nanggaling na putok mula sa aircon. Ang bawat isa ay busy sa kanya kanyang ginagawa kanina at hindi ko maipagkakailang sobrang naging magulo nga ung section namin kanina dahil sa larong sinimulan mismo naming mga class officers. Busy kami sa pagiging maligalig namin at hindi na namin nakita kung sino at ano ung tunay na nangyari.
Anong sasabihin ko kay maam? Na hindi ko alam kasi naglalaro kami kanina at masyado kaming masaya kanina kaya hindi na namin napansin ung pang yayari? Bago umalis ung last subject teacher namin ay binilinan kami netong basahin nalang ung susunod na lesson, pero anong ginawa namin? Naglaro ng Hide and clap!!
Sobrang tagal kong makatayo sa inuupuan ko na animoy ganon kabigat ang sarili ko. Halos gusto narin kumawala ng puso ko dahil sa sobrang kaba.
" I-Im sorry maam, pero h-hindi ko po alam kung anong nangyari."
Nakayuko kong sabi at hindi ko pa nga alam kung narinig ba nya ung sinabi ko dahil halos walang lumabas na boses sa bibig ko. Kita ko kung panong mas kumunot ung noo nya dahil siguro sa sinabi ko.
"What the hell, Hailey. How come na hindi mo alam ang nagyayari sa loob ng classroom nyo?! As a class president you should know your responsibilities in this section! Dapat alam mo ang mga nangyayari sa loob ng classroom nato! Dito pa nga lang sa loob hindi mo na magawa ung responsibilities mo, pano pa kaya bilang student body organization president,hailey! Ganyan ba ang ipapakita mo sa mga nasasakupan mo? Alam mo bang nadaanan daw kayo ng mga lower grades na naglalaro kanina at halos hindi na makapagklase ung katabi nyong room dahil sa may mga nagkakalabugan daw na mga bagay dito at may mga sigawan at tilian na nagaganap?! Kaya ba hindi mo alam ang nangyayari ay dahil busy'ng busy ka sa paglalaro? Busy'ng busy ang mga class officers sa paglalaro? Not knowing na nakakaabala na kayo sa mga katabi nyong classroom na nagkaklase? Ang galing nyo naman grade 10! Ginawa nyo pang playground tong room nyo! Mag uusap tayo mamaya. Maiwan kung sino man ung sumira sa aircon at lalong maiwan ung mga kasali sa naglaro kanina. Kapag walang umamin lahat kayo guidance at wala akong magagawa para maipagtanggol kayo dahil kayo mismo ang gumawa ng ikapapahamak nyo!!"
YOU ARE READING
My Strict Professor
عاطفيةThis story is all about the teacher and student who unexpectedly fell inlove with each other. Is it possible for a teacher to fall in love with her student? Or will the professionalism remain with each other and leave the student hanging, waiting f...