· · • • • ✤ • • • · ·
𝗕𝗨𝗛𝗢𝗞Iba-iba ang uri, iba-iba ang kulay
Iba-iba ang sukat, kung minsan pa
ay 'di pantay pantay
Subalit alam mo ba na sa isang piraso nito
Maaari mong malaman ang iyong buong pagkataoSa uri nito nakukutya tayo
Ngunit mayroong mula rito
ay nagiging modelo
Sa kulay nito malalaman
ang pinagmulan mo
Sa dami din nito malalaman kung
malusog ang pangangatawan moNaiaayos natin ito sa ibat ibang anggulo
Minsan pa ay kung ano ano
ang ikinukulay natin dito
May pagkakataon pang
mayroon pa itong kuto
Subalit ating silang alagaan,
ang ibig ko ay ang buhok huwag ang kutoSa paglipas ng panahon, mapapansin mo
May mga tao na nawawala na ito
Mayroon namang nagiging puti na ito
Subalit hindi natin dapat ikahiya itoSapagkat ang pagputi at ang pagkawala nito
Ay tanda lamang na tumatanda na tayo
Na marami na tayong pagsubok na natalo
At ito ay nagpapakilalang
naging matatag ka hanggang dulo.
· · • • • ✤ • • • · ·
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
PoetryHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...