· · • • • ✤ • • • · ·
𝗠𝗬 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗪𝗔𝗦 𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗭𝗘𝗗Bungad ngayong umaga
Ang isa sa aking mga akda
Subalit nakapagtataka
Pamagat tila nag - ibaGrabe ang aking kaba
Tanong sa isip dumadami na
Akda ko ba ay ginaya
O nagkataon lang kayaHinanap ang iyong ngalan
Sa nagreak sa aking binahagi
Nakita ko ang iyong ngalan
Nagustuhan mo aking binahagiKinausap kita kahit may kaba
Tinanong ko kaninong gawa ang akda
Sinabi mong 'Akin ang ganda ba?'
Nakuyom ko ang palad,
gagawin ko ba ay tama?Sinabi ko sayong may akda rin ako
Katulad na katulad ng sa iyo
Pamagat lamang ang nag iba
Subalit nilalaman ay pareho talagaIyong sinabing 'Ano nga kung iyo?
Iniba ko naman ang titulo
Dahil ang inilagay mong titulo
Hindi tumugma sa ginawa moAkin itong kinopya
Binahagi ko sinabing aking akda
Nagustuhan ng aking mambabasa
Hindi ka ba natutuwaIyong akda ay nagustuhan nila--'
Subalit hindi nila alam ako ang may akda
Lahat ng papuri sa iyo napunta
Umani ka pa nang mas maraming mambabasaAko ang naghirap diyan
Oo aaminin ko ito ay madalian
Subalit mali na iyong angkinin
Ang akdang hindi mo gawa, iyo ngang isipinSa iyong mga gawa marami ang natutuwa
Umaani ka nang magagandang papuri
mula sa kanila
Ako ay isang hamak na manunulat lamang
Na kung minsan nanlilimos atensyon lamangBakit mo kinuha ang akda ko
Bakit mo inangkin ang gawa ko
Alam mo ba ang nararamdaman ko
Gusto kong ireport ang account moSubalit hindi na ako maghihiganti
Itatago ko din ang ngalan mo
at mukha mong may ngiti
Hahayaan ko na lamang ang Ama
Na magpataw sa iyo nang matinding parusaGagawa pa ako nang mga akdang 'magaganda'
Upang mayroon pa kayong nakawing akda
Oo, itutulak ko kayo sa pagkakasala
Upang mas maraming patawan
ang Ama ng parusang tinatawag na Karma.
· · • • • ✤ • • • · ·
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
PuisiHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...