𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗩 - 𝗞𝗢𝗥𝗧𝗘𝗦𝗜𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗗𝗜𝗦𝗜𝗣𝗟𝗜𝗡𝗔

146 0 0
                                    


· · • • • ✤ • • • · ·
𝗞𝗢𝗥𝗧𝗘𝗦𝗜𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗗𝗜𝗦𝗜𝗣𝗟𝗜𝗡𝗔

Pandemya ay hindi pa nawawala
Subalit marami ang daig pa
ang sa koral ay nakawala
Hindi na sinusunod ang kortesiya
Nawawala na ang disiplina
           
Pinatupad sa buong masa
Ang pagsusuot ng pananggalang
sa ilong at mukha
Ngunit bakit marami akong nakikita
Walang nakalagay sa kanilang mukha
           
Motorsiklo ang sakay lamang dapat ay dalawa
Ngunit bakit mayroong tatlo o lima lima pa
Mga bata na hindi na nasisita
Pandemya ay hindi na inaalintana
           
Mga pagdiriwang ay nagpaparamdam na
Pinagbawal ang pagtitipon o pagsasama sama
Subalit sa tulong ng teknolohiya
Malayo man tayo sa bawat isa
muli tayong magsasama sama
           
Sa kawalan ng disiplina
Muling tumataas ang kaso sa ating bansa
Dumagdag pa ang sakuna
Taong 2021 magiging masaya pa kaya?
           
Kortesiya at disiplina
Masunod nawa ng bawat pamilya
Mula sa magulang hanggang sa pinakabata
Upang matalo na natin
ang kumakalat na pandemiya.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon