· · • • • ✤ • • • · ·
𝗣𝗨𝗧𝗔 - '𝗡𝗚 - 𝗜𝗡𝗔 - 𝗠𝗢Likas na sa atin
Ang pagiging masayahin
Sa labis na tuwa natin
Minsan limot ang sasabihinSubalit marami sa atin
Kahit labis na ang tuwa natin
Inyo pong aminin
Tayo'y nagmumura pa rinAng galit natin sa kapwa
Dinadaan na lamang sa mura
Sa malutong mong salita
Tila napatay mo na ang kaluluwaMura ay kinasanayan
Nadidinig san mang sulok ng lipunan
Ekspresyon nang maraming kabataan
May dagdag bawas pa kung minsanIto ba ay iyong naririnig
Iisa isahin ko ang bawat pantig
Baka sakaling inyong marinig
Inyong mga tenga huwag sanang magpantingUunahin ko sa unang dalawa
Ito'y malalim na salita
Sa amin ito'y tumutukoy sa isa
Bayarang babae, o diba kay laswaPantig Ikatlo hanggang lima
Maaaring alam mo na
Ang iyong ina ba ay isang puta
Hindi naman hindi ba?Ang huling pantig tumutukoy sayo
Sinasabi rito bayaran ang ina mo
Kaysakit marinig hindi ba
Tanong : Sasabihin mo pa ba?Sa bawat bigkas mo ng pu-tang-ina
Tumutukoy pala ito sa iyong ina
Kung dadagdagan mo pa ng 'mo'
Tumutukoy na pala sa ina moAko'y nagbabahagi ng aking nakita
Kaya ang pantig aking inisa isa
Atin man itong nakasanayan na
Piliting huwag nang mabanggit paHuwag na sanang marinig pa
Ng mga sa atin ay nakababata
Huwag na sanang marinig mismo sa kanila
Minumura ang sarili nilang inaMaaaring makatamo ako nang mga puna
Baka ito ay lumiban pa sa ibang planeta
Paumanhin ito lamang po ay isang akda
Ng katulad kong walang ginagawa.
· · • • • ✤ • • • · ·
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
PoesiaHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...