· · • • • ✤ • • • · ·
𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧Titulo pa lamang mararamdaman mo na
Pakiramdam ay hindi maganda
Ngunit masasabi ba agad na
Sakit ba ito sa puso o pisikal naIba iba ang uri ng sakit
na ating nararanasan
Sakit ng ulo at kalamnan
dahil pagal na ang iyong katawan
Minsan din naman dahil
mabigat ang iyong pakiramdam
Minsan din naman ito'y
nagmumula sa ating kaloobanSa pamamagitan ng siyensa
May mga sakit na nagagamot
Marami rito ay nalulunasan
Marami ang natutulungan.Subalit mayroong sakit
na hindi na nagagamot
Sapagkat ang sakit na ito ay nagdulot
Ng matinding sugat
At malalim na kalmotSubalit matindi man ang
sakit na ating maramdaman
Pananaw ay panatilihing positibo lamang
Sapagkat isa yan sa makakatuwang
Upang gumaan ang iyong pakiramdamAt palagi mo ring tandaan
Na palaging mayroon isang Nilalang
Na siyang makagagamot diyan
Manikluhod ka lamang sa Kaniya,
at ika'y pakikinggan.
· · • • • ✤ • • • · ·
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
PoesíaHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...