𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗜𝗜 - 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗚, 𝗣𝗜𝗣𝗜 𝗔𝗧 𝗕𝗜𝗡𝗚𝗜

88 0 0
                                    


· · • • • ✤ • • • · ·
𝗕𝗨𝗟𝗔𝗚, 𝗣𝗜𝗣𝗜  𝗔𝗧 𝗕𝗜𝗡𝗚𝗜

Bulag,
Sila ang mga taong
ligtas sa kasalanan
Sa pagnanasa sa katawan
Ng mga taong mahilig sa laman
           
Bingi,
Sila'y ligtas din sa kasalanan
Hindi nila maririnig
ang mga kalaswaan
Hindi makaririnig ng maling usapan
Ng mga taong mahilig mangialam
           
Pipi,
Sila ay ligtas rin sa kasalanan
Sapagkat hindi sila makapagsasalita
ng mga kalaswaan
Sa pamamagitan ng kamay mo
lang din malalaman
Ang bawat nilalaman ng kanilang
pusong madalas sugatan
           
Ang mga nasabing kapansanan
Madalas kanilang pinagtatawanan
Hindi nila alam silay ginawang espesyal
Upang maghatid ng kaligayahan sa karamihan
           
Nakalulungkot nga lang din kung minsan
Dahil minsan sa balitang
pang aabuso sila ang laman
Bakit nga ba nila ito ginagawa
Bakit sa pananakit ng kapwa sila lumiligaya
           
Bawat tao ay may kanya kanyang kakayanan
Na masasabi natin kung minsan
'Sanaol kayang gawin yan'
Mayron mang siyang kapansanan
lahat tayo ay nilikha dahil sa
hindi natin alam na dahilan.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon