· · • • • ✤ • • • · ·
𝗧𝗘𝗘𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗚𝗡𝗔𝗡𝗖𝗬Nagagalit ang marami
Sapagkat ang kaso ng TEENAGE PREGNANCY
ay lubhang dumarami
Marami ang kabataan ang sinisisi
Mayroon din naman hustisiya ang hinihingi
Dapat nga bang tayo ay manisi
Sa paglago ng populasyon at
Bakit hindi muna natin alamin
Ang dahilan kung bakit nabuntis
ng maaga ang marami sa atin
Mayroon nabuntis nang dahil sa alak
Sa pagsama sa tropa, sa paglaklak
Mayroon din namang nabuntis dahil sa abuso
Ng mga taong wala daw sa wisyo
Mayroong nabuntis dahil sa paghihiganti
Mayroon din namang
upang makatakas sa pang-aapi
Mayroong dahil sa sapilitan
O madalas nilang tinatawag na pikutan
Mayroong dahil ito ay parusa
Mayroon namang para sa pera
Mayroong dahil ninais na
umasenso ang pamilya
Kaya sumama at nagpagahasa
sa mayamang matanda
Sa mga rason na ito
Sana mamulat ang mata ninyo
Huwag sana agad agad humusga
Alamin muna sana ang rason
bago kayo magbalita
Sapagkat ang pagkakaron ng supling
ay isang malaking biyaya
Ibinigay ito sa atin ng dakilang lumikha
Sabi nga ay bawat pangyayari ay may rason
Kaya bakit kayo nagbebenta
ng pamatay na lason
Pamatay na lason para mawala sila
Mga walang muwang na mga bata
Mga batang hindi naman dapat sinisisi
Mga batang dapat inaaruga nang may ngiti
Hindi ko ito sinasabi upang itaas ang
antas ng mga batang ina
Ito ay pamulat lamang sa mga
taong kawali ang tainga
Nais ko ding ibilin sa lahat ng mga bata
Na lagi kayong mag-iingat upang
hindi agad maging ina
Sapagkat ang pagiging ina ay hindi madali
Dito mo mararanasang sa umaga
ikaw'y ngumingiti
Subalit pagsapit ng gabi
Nariyan ka sa isang sulok at humihikbi
Kaya bago ninyo ibigay ang inyong
gintong pagmamay-ari
Isipin nyo muna kung tama ba ito o mali
Kuryusidad sa inyong isipan
nawa'y inyong iwaksi
Upang wala kayong pagsisihan
sa bandang huli.
· · • • • ✤ • • • · ·
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
PoetryHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...