𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗜𝗩 - 𝗕𝗨𝗚𝗧𝗢𝗡𝗚 : 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔

74 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗕𝗨𝗚𝗧𝗢𝗡𝗚 : 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔

𝗠𝗔𝗧𝗔

Siya ay puno nang pagnanasa
Paningin niya kahubaran ang nakikita
Madalas manuod ng mga malaswa
Hinahanap hanap hindi nagsasawa

Tingin na mula ulo hanggang paa
Nakikita ang lahat ng puna
Hindi pinapalampas maging ang nakatago na
Kung minsan pumipikit pa, kahit na
alam na ito ay hindi tama

𝗧𝗔𝗜𝗡𝗚𝗔

Lahat ng naririnig ay hindi sinasala
Pinaniniwalaan ang tinuran ng isang chismosa
Ungol nang sinuman ay nagiging musika
Subalit mga Aral sa kaniya ay nagiging mura

Lahat ng dumaan sa kaniya
Minsan ang mali ay nagiging tama
Minsan naman ay nagkukunwari na
Hindi narinig ang sinabi nang iba

𝗗𝗜𝗟𝗔

Ako ang inyong panlasa
Pagkain ay iyong malalasap na
Subalit bakit tila mas gusto nang aking panlasa
Ang munting laman kahit ito ay may amoy pa

Sa akin ang munting salita ay nagiging sawa
Sa akin mga tao madalas
ay nagbabangayan pa
Ngunit sa akin madalas umuungol ka
Sa akin tumitirik ang iyong mga mata

𝗞𝗔𝗠𝗔𝗬

Mga ginto, pilak at kwarta
Sa'king mabilis na paghablot aking nakukuha
Sa aking paghaplos
napupuno ka nang pagnanasa
Sa aking paghagod ikaw'y nagiging maligaya

Nakahahawak ng mga sandata
Pumapaslang pumupuslit kapalit nang kwarta
Malakas kong mga hampas sa iyo
ay magpapaiyak pa
Ako nga ba ang gumuguhit
sa kapalaran mo o sumisira?
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon