𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗫 - 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

69 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

Ako'y nanunuod ng balita
Nanlulumo ako sa kanilang pinapakita
Sapagkat napakalaki ng naging pinsala
Nang nagdaang bagyo sa ating bansa
                   
Marami ang napinsala
Maging ang lugar na dinadayo ng mga turista
Halos tabunan ng lahar rumaragasa
Ngunit ang nakalulungkot mayroon rin
ang natabunan at nawala
                   
Maraming bubong ng tahanan ang nawala
Mayroong pundasyon ng bahay ay nagiba
Mayroong tuluyang dinala
Ang kanilang buong tahanan,
sa isang iglap bigla nalang nawala
                   
May mga bundok naman na
Nagalit yata sa mga taong naminsala
Sa mga puno na sa kanya ay nag aalaga
Kaya siya'y bumagsak at bumigay na
                   
Marami ang lumikas na
Subalit marami pa rin ang nanatili sa kanila
Na ngayon ang iba sa kanila ay nawawala
Ang mas nakalulungkot ang iba ay wala na
                   
Sila'y lumikas na
Walang kahit na anong nadala
Sapagkat mas kanilang inalala
Ang kapakanan ng bawat isa
                   
Sobrang lakas ng hagupit niya
Damang dama ang sobrang galit niya
Para satin na mga nagkasala
Sa kalikasan na Kaniyang binigay at nilikha
                   
Subalit siya ay lumisan na
Ngunit nag iwan siya ng matinding pinsala
Mula sa mga kabahayan na nawala
At mga taong hindi pinalad at mga nawawala
                   
Sa lahat ng mga sakuna
Na mararanasan ng bawat isa
Isa lang talaga ang ating magiging kasangga
Ito ang ating Pananampalataya
                   
Pananalangin sa Kaniya
Pagtanggap sa mga ginawa Niya
Isiping lahat ng nangyari ay kalooban Niya
Kaya hindi na tayo dapat magtanong pa.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon