𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗜𝗜𝗜 - 𝗚𝗨𝗧𝗢𝗠

153 1 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗚𝗨𝗧𝗢𝗠

Sa aking pagpikit aking nadarama
Ang hapdi ng sikmura na binabalewala
Unti unti nitong inaalis ang lakas na natitira
Patuloy sa paghapdi, luha'y tumutulo na

Akin siyang sinisita
Pilit siyang binabalewala
Ngunit sadyang malakas ang aking sikmura
Ulo ko ngayon ay sumasakit na

Hanggang sa hindi na makaya
Mukha ay hindi na maipinta
Tumungo na sa lamesa
Kumuha ng mailalaman sa kanya

Ako sayo ay tunay na humahanga
Sapagkat sayo'y walang akong panama
Walang makakatiis pag humapdi ka
Kahit sino ay hindi ka makakaya

Sapagkat pag pinabayaan ka
Siguradong sakit ang saakin ay tatama
Maaari pa ngang amin nang makikita
Mahiwagang tahanan ng Dakilang Lumikha.

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon