𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗫𝗜𝗜 - 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗠

58 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗟𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗠

Habang ako'y naglilinis ng aming tahanan
Nakakita ako ng mga langgam na dumaraan
Marami silang pasan pasan
Mga pagkaing iniimbak para sa tag - ulan

Dahan dahan kongwinalisan
Ang sahing kung saan sila dumaraan
Nagulo ang tuwid nilang lakaran
Subalit bumalik din sila
at muling bumuo ng tuwid na daan

Pumasok bigla saking isipan
Bakit hindi natin sila tularan
Bagaman sila lamang ay
insektong may kaliitan
Subalit sila'y nangunguna
sa disiplina at kasipagan

Patuloy sa pag iimbak ng pagkain
para sa tag - ulan
Patuloy lamang sila sa
paghahanap walang kapaguran
Nagpatuloy ako sa paglilinis ng aming tahanan
Kumuha na din ako nang tubig at basahan

Aming sahig akin nang sinabuyan
Tubig rumagasa sila'y tinangay,
ang iba'y naglanguyan
Aking naalala mga taong nasalanta
sa ibat ibang lalawigan
Ganito rin ang kanilang kinahinatnan

Sa paningin nang mga nasa itaas tayo
ay mga langgam na kaliitan
Mga taong madalas kulang
sa tamang asal at karunungan
Mga taong madaling kitilin at apak apakan
Subalit tandaan mo ang kasabihan
na kahit ang maliit nakapupuwing din naman

Madali ngang kitilin ang buhay ninuman
Subalit ang mga langgam kahit sila ay kaliitan
Pag iyong nadisgrasya kanilang tinitirahan
Siguradong magtatatalon ka
sa sakit pag pangangagat kanilang sinimulan

Lahat nang nilalang
ay may kalakasan at kahinaan
Upang maging balanse ang
sangkatauhan at sangkahayupan
Kaya panghuhusga at panlalait
iyong bawas bawasan
Upang hindi ito bumalik sa iyo
at ikaw naman ang masaktan

Iyo na din bawas bawasan ang katamaran
Mahiya ka naman
sa mga langgam na dumaraan
Sila'y nagsusumikap
para may pagkain sa tag ulan
Samantalang ikaw'y nakahiga lamang, batugan

Baguhin mo ang iyong kapalaran
Sa pamamagitan nang iyong kasipagan
Inuulit ko sa iyong iwaksi mo ang katamaran
Upang maging maganda ang iyong kinabukasan.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon