· · • • • ✤ • • • · ·
𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡Wala akong kasalanan
Kunsensiya ko ay puno kalinisan
Kamay ko ay hinding hindi ko dudungisan
Gusto kong isigaw lahat ng ito sa karamihan
Oo mahirap ang aming kalagayan
Subalit hinding hindi ako gagawa ng kasalanan
Upang maiangat ang aming katayuan
Upang gumanda ang aming kalagayanSubalit ngayon ay lubos akong nangangailangan
Pamilya ko ay hindi maganda ang kalagayan
Kumapit na ako sa patalim dahil kinakailangan
Labag man sa aking loob,
ako'y tiyak na kasusuklaman
Tinanggap ko ang pera kapalit ng katahimikan
Kapalit ng pag-ako sa matinding kasalanan
Kahit ako pa ay may katandaan
Alam kong sa pag-amin ko
kahit hindi ko kasalanan
ang bagsak ko ay sa kulunganNang dahil sa labis na kahirapan
Wala akong magawa kundi pagtakpan
Ang kanilang kasalanan
Upang maisalba ang buhay
ng pamilya at kamag anakanAking ipinapayo sa karamihan
Huwag na huwag niyo akong tutularan
Huwag kumapit sa patalim
kahit lubos na nangangailangan
Pag asenso ng inyo buhay
ay inyong pagsikapan.
· · • • • ✤ • • • · ·
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
PoetryHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...