· · • • • ✤ • • • · ·
𝗠𝗘𝗦𝗧𝗜𝗭𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗦𝗔Mukha nila na kay gaganda
Mga balat nila na mestiza
Buhok nila na kay hahaba
Mga labi nila na kay pupulaTinagurian silang mga dyosa
Sa baryo marami ang humahanga
Mga kalalakihan ay napapanganga
Sa taglay nilang kakaibang gandaSubalit sa kutis na mala-kastila
Kalooban nila ay kakaiba
Kanilang gilagid ay kasing-itim ng tinta
Kanilang budhi, taglay ay masamaKasakiman ay meron sila
Kalaswaan madalas na winiwika
Nilalait ang makita nilang kakaibaMinamaliit ang bawat madaanan nila
Sa kanilang maamong mukha
Huwag kayong padadala
Dahil para silang mga
maaamong gutom na pusa
Na dahil sa pagkain lalambingin ka nilaSubalit sa oras na makuha na nila
Ang hawak mong matabang isda
Kakalmutin at sasaktan ka nila
At sa isang iglap natakasan ka na nila.
· · • • • ✤ • • • · ·
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
PuisiHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...