𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗜 - 𝗔𝗡𝗔𝗞

297 1 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗔𝗡𝗔𝗞

Nagsimula sa dalawang organismo
Hanggang sa naging buong dugo
Nagkaron ng laman at buto
Nagkaroon na din ng utak at puso

Siya'y nagmula sa dalawang tao
Nagmamahalan ng buong puso
Subalit mayron ding mula sa abuso
Ng mga taong wala sa wisyo

Subalit saan man sila nagmula
Kailaman huwag natin isipin na
Sila ay ilaglag, itapon pagkat sila ay bata
Sila'y biyaya mula sa Dakilang Lumikha

Nagkasala man ang magulang nila
Naabuso man ang sa kanila'y dumadala
Huwag natin sila husgahan basta basta
Sapagkat hindi nyo batid ang puso nila

Pagdating ng araw na itinakda
Matinding hirap ay makakaya
Sapagkat isang iyak lamang nila
Wala ng pagsisidlan ang galak sa puso nila.

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon