𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗩𝗜𝗜𝗜 - 𝗣𝗔𝗚 - 𝗔𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔

61 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔

Titulo ba ay nabasa
Tungkol ito sa pag aasawa
Paano nga ba mag asawa
Tumigil sandali, magbasa

Madali ang pag-aasawa
Sa binata't dalaga nagmumula
Sa panahon nga natin pwede na
Parehong kasarian ay magsama

Sa pagbaba mo nang palda
Sa pagpasok mo ng sandata
Baka hindi mo alintana
Simula na ito nang pag aasawa

Pakikipagtalik ay sagrado, alam mo ba
Ginagawa lamang ng legal na mag-asawa
Ang mga nabanggit kong salita
Hindi ba nakatatak din sa Bibliya

Bago ka sana mag asawa
Nawa ay naisip mo muna
Ikaw ba ay may hawak nang diploma
Ikaw ba ay may kakayanan na

Ang iyong mahal na ama at ina
Maayos na ba ang kalagayan nila
May sariling bahay at lupa
May negosyong pagkakakitaan na

Paghihirap nila'y nasuklian mo na ba
Dahil kung ikaw ay mag aasawa na
Ang responsibilidad mo sa kanila
Mananatili hanggat nariyan sila

Kaya kung ikaw'y nag iisip na
Mag - asawa habang bata pa
Hijo, hija mag isip ka muna
Baka ang iyong labi ay may gatas pa

Nalubos mo na ba ang pagkabinata
Sa pagiging dalaga, ikaw ba ay sawa
Kung hindi pa bakit ka mag aasawa
Paligayahin mo muna ang iyong
sarili bago ka mag asawa

Kung sagot mo ay oo na
Lakad ikaw'y mag asawa na
Kung handa ka nang maging ina o ama
At bumuo nang sariling pamilya

Aking paalala bago ka mag asawa
Pangarap sa sarili tuparin mo muna
Bago lumagay sa tahimik na pamilya
Magkaroon ng mga supling at sumaya

Paano ang ibang mga bata
Na sa murang edad ay nag asawa
Mayroon din silang pangarap pa
Subalit nahahadlangan ng tangan na bata

Subalit meron ding iba
Pinagsasabay ang pag aalaga
Kay hirap man ng sitwasyon nila
Kinakaya para maging maayos ang pamilya

Marami sa mga magulang na bata
Nahihirapang itaguyod ang pamilya
Sa mga magulang nila dumadaing sila
Na dapat sana sila ang dinadaingan nila

Kaya itatak mo sa isipan mo binata't dalaga
Bago mo tahakin ang pag aasawa
Itanong mo sa sarili mo
kung ikaw ba ay handa na
Magiging maayos ba
ang bubuuin kong pamilya

At higit sa lahat binata at dalaga
Sana kung ikaw nga ay mag aasawa
Mahal mo ang iyong mapapangasawa
At sa altar kayo ay maghaharap pa

Dahil wala nang mas gaganda
Kung buhay mo ay payapa at masaya
Mangyayari lamang ito
kung ang iyong pag aasawa
Ay legal at may basbas ito nang Dakilang Ama.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon