𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗫𝗜 - 𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡

70 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡

Pagod ka na ba sa iyong buhayMundo mo ay wala nang kulayNaiisip mo na bang kitilin ang iyong buhaySandali, huminto ka muna at basahin ang akdang gawa ng aking mga kamay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagod ka na ba sa iyong buhay
Mundo mo ay wala nang kulay
Naiisip mo na bang kitilin ang iyong buhay
Sandali, huminto ka muna at basahin
ang akdang gawa ng aking mga kamay

Nakikita mo ba ang nasa larawan
Isang batang hawak ang kaniyang laruan
Alam mo bang hindi iyan laruan
Bagkus iyan ay tubo para
sa linya ng kuryente na pinaglumaan

Nakikita mo ba ang kaniyang wangis
Marumi ang damit at kay dungis
Nakikita mo rin ba kung nasaan siya
Lugar ng isang sakuna ang kinatatayuan niya

Halata sa kaniyang mukha
Hirap na tinatamasa
Subalit tignan mo ang labi niya
Nakangiti siya hindi ba

Marami sa atin pagod na
Ayaw na sa buhay na timatamasa
Buhay na puno nang hirap at sakuna
Buhay na maihahalintulad sa matinding parusa

Subalit pagkitil sa ating buhay
ay hindi ang solusyon
Sapagkat ito'y pinahiram lamang
sa atin ng Panginoon
Nag - iisa lamang at wala nang susunod
Kaya sana sa akin ikaw'y sumunod

Kung nabibigatan kana, magpalakas ka
Kung napapagod ka, magpahinga ka
Kung sukong suko kana
at nasasaktang labis na
Lumuhod ka, tumungo at tumawag sa Kaniya

Siya nagbigay nang buhay
na mahirap at masarap
Kaya dapat bawat segundo ay iyong nilalasap
Sapagkat marami ang sa iyo ay mas naghihirap
Magalak ka sa kung ano ang meron ka,
mahirap man o masarap

Gaya na lamang ng bata sa larawan
Masayang masaya na siya sa hawak na laruan
Napulot man ito sa basurahan
Bakas parin sa mukha ang kaligayahan

Sapagkat mayroon na siyang mapaglalaruan
Mayroon na siyang mapaglilibangan
Kahit pa damit at katawan niya ay madungisan
Magawa lamang niya ang kaniyang nais
at maging masaya panandalian

Sa buhay ay walang perpekto
Maging ang mundo hindi
perpektong bilog ang hugis nito
Ngunit patuloy parin sa pag ikot ito
Ganun din ang ating buhay,
minsan nasa ilalim ngunit
minsan sa ibabaw naman tayo

Hintayin mo ang pagkakataon para sayo
Huwag mainip kapatid ko
Sapagkat lahat ng bagay
na dinadaan sa paspasan
Ay nawawala agad, hindi pangmatagalan

Subalit ang mga bagay na iyong pinaghirapan
Sa buhay mo ay mananatiling nariyan
Hinding hindi ka iiwanan
Sapagkat dugo at pawis mo
ang iyong naging puhunan.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon