𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗩𝗜 - 𝗣𝗨𝗟𝗨𝗕𝗜

70 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗣𝗨𝗟𝗨𝗕𝗜

Bagong satla ako sa Maynila
Nagmula ako sa malayong probinsya
Makipagsasapalaran ako rito
Maghahanap ng trabaho

Marami ng nagsabi sa akin
Na mahirap sa lugar na tutunguhin
Mundo ng matataas na gusali
Pagkakaroon ng trabaho ay hindi madali

Sa aking paglalakad
Ako ay napadpad
Sa isang kainan sa may kanto
May mantandang na nakaupo sa may gilid nito

Aking minasdan
Ang mga taong dumaraan
May ilang siya ay hinihintuan
Upang siya ay bigyan

Ngunit ang nakalulungkot
Marami ang sa kaniya ay natatakot
Pinandidirihan at iniiwasan
Ni isang kusing hindi binibigyan

Akin siyan nilapitan
Tinanong ko kung ano ang kaniyang ngalan
Subalit ako ay kaniyang iniwasan
Sinabing 'lumayo ka, ako'y pandirihan'

Subalit hindi ko siya pinakinggan
Bagkus ay akin siyang inaalalayan
Sinabi ko ang aking pangalan
Sinabi ko din ang aking pinanggalingan

Hanggang sa hindi nagtagal
Loob niya sa akin ay gumaan
Nagsimula na siyang dumaldal
Sinabi narin niya ang kaniyang pangalan

'Matagal na din akong pulubi
Natutulog sa tabi-tabi
Nanlilimos ng kaunting barya
Upang sa tiyan ay may mailaman pa

Sa kaniyang mga sinabi
Hindi ko maiwasan ang maluha
Tinanong ko siyang muli
'Nasaan ang iyong pamilya'

'Aking kinalulungkot
Tanong mo'y hindi masasagot
Hindi ko na alam kung saan sila nakatira
Mayroon na silang sariling pamilya

Sa kadahilanan na rin na
Ayaw kong maging pabigat sa kanila
Nilisan ko ang mahal kong probinsya
Pumarito na lamang at nanghingi ng barya

Dirito na lamang ako
Maghihintay ng sundo ko
Hindi ko man masilayan ang mga apo ko
Sa langit alam ko doon kami magtatagpo'

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak
Sa mga sinalita niya puso ko ay nasaksak
Labis akong nasasaktan
Labis ko siyang kinaawaan

Hanggang sa ako'y nagdesisyon
Humanap ng bahay sa kabilang direksyon
Isasama ko siya doon
Sabay kaming kakain at matutulog doon

Hanggang isang araw
Mayroong biglang dumalaw
Dahil sa ibinahagi kong larawan
Mga anak niya ay nagdatingan

Humingi sila ng tawad sa kanilang ina
Nanikluhod at nagmakaawa
Hinihiling nilang siya ay umuwi na
Nangako silang bibigyan na ng kalinga

Bago sila umalis ng tuluyan
Sila ay aking sinabihan
Kailanman ay walang makahihigit
Sa pagmamahal ng isang magulang

Kaya inyo sana siyang alagaan
Ibigay lahat ng pangangailangan
Siya ang ating pinanggalingan
Mamahalin niya tayo magpakailanman.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon