𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗩 - 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗜 𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗬𝗢 𝗔𝗬 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔?

89 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗜 𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗬𝗢 𝗔𝗬 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔?

Bakuna, bakuna
Tao sa iyo ay takot na
Dahil sa dating nauna
Kumitil ng ilang mga bata

Bakuna, bakuna
Ngayon muli, inaantay ka
Para sa kumakalat na pamdemya
Mga tao daw ay magiging ligtas na

Bakuna, bakuna
Alam mo ba ang balita
Na pag ikaw daw ay tinurok na
Mga tao ay maaaring maging zombie na

Bakuna, bakuna
Mga tao sa iyo ay takot na
Isip nila ay kinain na
Ng balitang kumalat sa social media

Bakuna, bakuna
Sayo nga ba dapat magpatundo na
Kami nga ba ay magiging ligtas na
Sa makamundong sakit na lumalala

Bakuna, bakuna
Maaari ka bang magsalita
Dapat nga bang kami ang mauna
Mga mahihirap na salat sa pera

Bakuna, bakuna
Ikaw'y nga ay magsalita
Sabihin sa buong madla
Kung ikaw ba ay ligtas para sa mga bata

Bakuna, bakuna
Ikaw'y nawa'y magsalita
Sakit ba ay mawawala
O sakit ay lalong lalala

Bakuna, bakuna
Senyales sa amin ibigay na
Bago ka pa dumating sa aming bansa
Nawa kaming lahat ay maalam na.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon