· · • • • ✤ • • • · ·
𝗡𝗢𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡
(𝗣𝗮𝗴𝗯𝘂𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮)𝗡𝗢𝗢𝗡
Ako ba ay iyong minamahal
Kung oo sundin mo aking sasabihin mahal
Gamit mo'y isilid na sa maleta
Aalis tayo bukas bago mag-umagaHayaan mo lamang bukas ang iyong bintana
Upang roon ikaw ay aking makuha
Pupunta tayo sa malayong probinsya
Doon tayo ay bubuo ng sariling pamilya𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡
Halina uminom tayo ng alak
Ubusin natin lahat tayo'y lumaklak
Ilabas na ang chicharong bulaklak
Tayo'y magpakalasing at humalakhakNgayon tayo nalamang dito sa kwarto
Pareho pa tayong wala sa wisyo
Ituloy na natin ang plano
Sigurado isang pamilya muli ang mabubuo.
BINABASA MO ANG
Tagalog Poems Compilation
ŞiirHalina't buksan ang aking aklat na naglalaman ng iba't ibang uri ng tula. Ang iba dito ay tumutukoy sa iyong sarili, sa lipunan, sa kaisipan at buhay na maaaring magbukas ng iyong kaisipan at magpalawak ang iyong pananaw tungkol sa uri at kalagayan...