𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗩𝗜𝗜 - 𝗦𝗜𝗟𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘𝗥

109 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·

𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗜𝗟𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘𝗥

May isang dalaga
Nagngangalang Athea
Matalino at maganda
Mabait at masipag pa

Magaling sa paggagawa
Ng mga tula at istorya
Marami ang natutuwa
Sa gawa nitong akda

Hanggang isang araw
Sa katirikan ng araw
Magandang kapalaran
Ang sa kaniya ay dumaan

Isang sikat na manunulat
Humanga sa kaniyang isinulat
Pinakiusapang siya pa ay sumulat
Isasapubliko't gagawing aklat

Dumami ang kaniyang likha
Dumami pa ang natuwa
Kumita siya at guminhawa
Lubos ang kaniyang saya

Pero lahat sila ay nagtataka
Bakit ito ay hindi nagsasalita
Palagi nalamang siyang nakangiti
Pagtango madalas ang ganti

Hanggang sa may nakabasa
Sa isa sa kaniyang mga akda
Nilalaman ng isa nitong pahina
Siya ay pipi, hindi nakapagsasalita.

· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon