𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗫𝗫𝗜𝗜𝗜 - 𝗖𝗛𝗘𝗙 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗕. 𝗥𝗢𝗞𝗘𝗡

48 0 0
                                    

· · • • • ✤ • • • · ·
𝗖𝗛𝗘𝗙 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗕. 𝗥𝗢𝗞𝗘𝗡

Iniwan mo na nga ako
Luhaan at nagdurugo
Balat - sibuyas kong puso
Tinadtad mo sobrang pino

Ngayon aking iluluto
Putaheng paborito mo
Karne akin nang hiniwa
Kasabay ng mga luha

Hinugasan ang gulay
Kamay ko'y wala nang buhay
Ginayat na isa isa
Pantay - pantay, walang sobra

Binuksan ko na ang kalan
Kawali ay isinalang
Pinainit nang bahagya
Naglagay na nang mantika

Inilagay ang sibuyas
Bawang, luya at kamatis
Ginisa hanggang maluto
Bakit mo ako niloko

Sinunod ko na ang karne
Na prinito nang kaunti
Isinunod ko ang gulay
Buhay ko'y wala ng kulay

Binuhos ko na ang sarsa
Nasaan ka na nga kaya
Ikaw ba ay masaya na
Ako narito nagluluksa

Hinalo ko nang bahagya
Hinintay na kumulo siya
Tinakpan upang madali
Tayo bat nga ba kay dali

Habang hinihintay ko na
Kumulo ang kaldereta
Aking na ngang inalala
Nakaraang lumipas na

Muli bat ako naloko
Lugaw naging champorado
Dati nilaga ang gusto
Bakit ngayon na ay prito

Ilang saglit ang nagdaan
Kumulo ang nakasalang
Akin na itong tinikman
Bakit hindi malasahan

Pinatay ko na ang kalan
Nagsalin sa lalagyan
Kahit hindi malasahan
Sila'y aking hinainan

Bakas sa kanilang mukha
Masarap ang caldereta
Muling nagtungo sa kusina
Tinikman ang caldereta

'Di malasahan talaga
Sa' king panlasa'y nawala
Ang lasa ng caldereta
Na sa'kiy nagbigay saya

Ngayon aking tatanggalin
Caldereta sa listahan
Akin na ding lilimutin
Kung pano ito lutuuin

Upang hindi maalala
Ang panahong lumipas na
Ang dating tayong dalawa
Ngayon susunugin ko na.
· · • • • ✤ • • • · ·

Tagalog Poems Compilation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon