XXXII - And then...

337 6 15
                                    

"Nicole. Nicole! Makinig ka naman." sigaw ni Aisha sa kanya.

"What is it?" Then she raised one eyebrow as she asked the question. "Tinatanong ko kung metal lang ba ang kaya mong tugtugin na genre."

"I can do everything."

"Oh really? Can you play a classical song for me, please?" teasing Nicole, as she smirked and positioned her thigh above the other one while still sitting on the chair.

"Why would I do that for you?" Nicole questioned back.

"Because you should follow my orders. I'm the president of this club, remember?"

Nicole just groaned and stood up to go towards the acoustic guitar Rae brought in earlier. Pinatigil ulit siya ni Aisha at tinanong si Nicole ng, "Sabi 'ko 'diba classical song?"

"Eh gusto ko acoustic itugtog eh, bakit ba? Atsaka wala namang keyboard or piano dito na gumagana, oh sige nga. Paano ako tutugtog nun?" Nagbuntong-hininga na lang si Aisha at pinatuloy niya nang tumugtog si Nicole.

Inayos niya munang i-pwesto yung capo at nag-strum ng isang beses. Inulit-ulit pa niya 'yung proseso na 'yun hanggang sa naging kuntento na siya at nag-simula na siyang tumugtog. Finger-style ang ginawa niyang pagtugtog at hindi ko naman alam ang tinutugtog niya. Maya-maya, nag-simula na siyang kumanta at nagulat kami dahil maganda naman pala ang boses niya kapag nag-ayos siya. Maliit ito pero naco-control niya ang boses niya at para lang siyang anghel na kumakanta. Namangha ako sa ginawa niya, ewan ko lang sa dalawa na kasama ko.

Nung tapos na si Nicole na tumugtog, umupo na lang siya ulit at nilabas  yung cellphone niya. Nilapitan ko si Aisha at ganun din naman ang ginawa ni Rae. Bigla namang tumayo si Aisha at sumunod na rin kami sa kanya sa labas ng studio.

"Ano ng balak? Isasali ba talaga natin siya sa banda natin?" Tanong ni Rae kay Aisha.

"Hindi ko rin alam eh."

"To be honest, I like her -- but not her attitude. Eh ikaw, Eumeleia?" Komento ni Rae saka siya tumingin sa'kin.

'She's okay. I like her personality. She's brave and confident.' Ipinakita ko sa kanila yung mga tinype ko at natahimik nanan kaming tatlo.

Nag-salita naman bigla si Aisha. Napagdesisyunan na niya. "Majority wins na lang."

"Nope. Just, no."

'I'm with Nicole.'

"Ako rin."

"Bakit ayaw mo Rae? Maganda naman ang boses niya ah, atsaka magaling rin siya tumugtog." Tanong ni Aisha sa kanya atsaka tumingin sa'kin. "Diba?"

Tumango na lang ako at nakita kong nagkibit-balikat si Rae.

Nagulat na lang kaming lahat ng biglang sumulpot si Nicole mula sa pintuan. "Ano 'yang pimaguusapan niyo?"

Diretsahang tinanong naman ni Aisha si Nicole. "Do you want to join our band?"

"Well... I have another deal."

* * *

Gulat na gulat ang facial expression ni Aisha. "What? W-Wait... sinasabi mo bang may kaibigan kang gusto maging drummer at babae rin siya?"

"Oo, why? Is that a problem?" Sagot ni Nicole.

Tamang tama lang pala 'yun para sa banda namin!

"Wala lang. Ay basta! Pwede ko na ba siya makausap? Saan ba ang school niya?"

"Sa Westville Academy."

Silang dalawa lang muna ang nag-usap habang kami ni Rae ay kinakain yung mga binili namin kanina sa canteen. Maya maya, nag-salita na rin si Rae.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon