XII - Bits and Pieces

538 8 27
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula nung nangyari kay Aisha. Na-discharge na rin si Reece sa ospital pagkatapos ng dalawang linggo simula noong na-confine siya. Araw-araw ko na ata siya dinadalaw nun sa ospital dahil naaawa ako sa mga sugat at sakit na natamo niya. Pilit siyang ngumingiti kahit na nasasaktan pa rin siya. Parang si Aisha. Simula din nung araw na yun, naging awkward na ang atmosphere sa pagitan nila Aisha at Nathan. Kahit hindi ko alam yung mga nangyari noon, alam ko namang nahihirapan talaga si Aisha. Ang naguguluhan lang talaga ako ay yung tungkol kay Nathan, bakit kailangan niya gawin yun sa kanya? Mabait naman si Aisha, wala siyang ginagawang masama sa kanya... pero parang binasag niya lang yung pagkatao ni Aisha. Ni hindi ko alam kung paano ko papasayahin si Aisha dahil parang wala siya sa sarili.

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Rae at Aisha, mags-sleepover kami ngayon dahil Friday na naman na at balak din naming mag-group study kinabukasan; malapit na rin mag-exam at kailangan naming ayusin si Aisha para makapaghanda na siya. I rang the doorbell and waited for a few seconds. Maya maya, lumabas na rin si Rae at pinapasok na ako sa loob. Mukhang maliit yung bahay nila sa unang tingin pero kapag pinasok mo na, malaki pala. Kasya yung mga pamilya nila dito, ilan kaya sila? Tatanungin ko na lang mamaya.

Umakyat na kami ng hagdan at pumunta na kami sa tapat ng isang kwarto nung nilagpasan namin pa yung tatlong kwarto. "Ito yung kwarto namin ni Aisha, pasok ka na!" Hinawakan niya yung doorknob at binuksan ito; nakita ko si Aisha na nakikinig lang sa phone niya at naka-heaphones. "Ia! Yehey! Dumating ka din!"

Nginitian ko lang siya habang tinatanggal niya ang headphones niya. Pinagmasdan ko ang kwarto nilang dalawa, may double deck sila tapos dalawang study table. Para silang magkapatid, pero hindi. Ano ba ang relationship nila sa isa't isa? Tinanong ko na ito sa kanila nang mag-type ako sa phone ko at ipinakita ko din ito. Tumawa sila ng malakas, saka sumagot sa tanong ko. "We're cousins!"

Ohh! Kaya pala medyo magkamukha din sila! Mukha silang magkapatid, ang galing naman. Nginitian ko lang ulit sila at narinig kong bumukas yung pinto. Nakita ko ang isang lalaki na naka-apron at may hawak na tray. Inilapag niya yung hawak niya sa center table at tumingin siya sakin. "Salamat at napagtitiisan mo 'tong dalawang 'to. Enjoy your stay! Mamaya magluluto ulit ako ng hapunan bago ako umalis."

Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya nag-bow na lang ako hanggang sa nagsalita na din si Aisha. Kumuha siya ng isang pirasong biscuit at kinain ito. "Grabe ka ah! Pasalamat ka mabilis nawala galit ko dahil nagbake ka ng cookies, haha! Thanks Kuya!"

Kumindat lang yung tinawag niyang kuya saka niya ako nginitian at umalis na din ng kwarto. Narinig kong tumawa silang dalawa at nakitawa na din ako dahil nakakatuwa silang tingnan kapag natatawa sila, lalo na si Aisha. Nakita ko na ulit yung ngiti niyang masaya.

Inilapag ko na yung bag ko sa sofa at iginala yung paningin sa loob ng kwarto nila. Napansin kong may mga posters si Rae sa wall sa tabi ng kama niya sa ibaba at the Pincoya's pala yun! Tinitigan ko lang ito at namangha ako sa mga itsura nila. Mukha silang matured, hindi mo aakalaing graduating pa lang sila sa high school. Bigla namang sumulpot sa tabi ko si Rae at tinuro yung poster. "Sino bias mo dyan, Ia?"

Hindi ko na ito pinagisipan at agad na tinuro si Mika. I don't know why. The first time I saw theyiopm, my eyes only looked at her. Kahit na tumitingin ako sa dalawa pa niyang kamember, patuloy pa rin akong napapatingin sa kanya. Magaling talaga siyang kumanta at mag-gitara. Naiinggit na nga ako eh, kasi siya may boses... ako wala; pero kahit na ganun, masaya pa rin ako dahil kahit wala ako nun, mayroon naman akong mga kaibigan na mahal na mahal ko, at sa palagay ko naman mahal na mahal din nila ako.

Pinagusapan lang namin ng pinagusapan ang tungkol sa the Pincoya's, habang si Aisha ay nakatingin lang sa cellphone niya, parang natulala siya. Kinalabit ko siya at nagulat siya na para bang nakakita siya ng multo; kamuntikan na nga niyang malaglag yung phone niya sa sahig pero nakuha niya kaagad ito.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon