XLIII - Revived Voice

422 5 3
                                    

"Eumeleia!" I looked around to see whose voice that was. He was running towards us with a disappointed look on his face. But just then, my phone rang. It was the doctor.

"Sige na, kausapin mo muna. Importante naman eh, kami na lang muna kakausap kay Rain." Pagkasabi ni Aisha nun, tumango ako at nag-lakad na papalayo sa kanila papunta sa isang malaking puno.

"Ms. Ellis, are you still busy at school now?" I uttered a soft 'no', just like whispering. "Oh, okay. Well I have good news for you..." he started, "I finally figured out how we can get your voice back faster. But of course, you have to go here at the hospital immediately. I understand if you don't want to though since I assume you are very tired now because of your school's foundation week?"

"No!" I was surprised by my own voice. Lumakas ito ng konti at alam kong narinig nila Aisha 'yun, pero hindi ko na lang sila tiningnan at patuloy pa ring pinakinggan 'yung kausap ko sa phone.

"Well, if you really want to, I'll text you the details of what room your next therapy is going to be. Please be careful on your way here, good bye."

Nilapitan ko na kaagad sila Aisha matapos kong ibalik yung phone sa bulsa ko. "Ia! May pinapagawa pala sa'tin si Ma'am pero sinabi kong umalis ka na. Pupunta ka naman ng ospital 'diba? Kami na lang bahala, okay?" Hindi pa 'ko nakakapag-reply sa kanila nang bigla na lamang sila tumakbo paalis.

"Eumeleia, sorry. Hindi ako nakapanuod, bigla kasing nagkaroon ng emergency." Nag-salita na bigla si Rain at natuwa naman ako dahil nag-sorry siya kaagad, parang hindi siya si Rain. Parang imposible lang sa kanya 'yung ganun dahil ang unang tingin ko sa kanya ay isang... gangster na hindi marunong mag-sorry, na hindi marunong tumanggap ng pagkakamali niya. Pero hindi pala siya ganun.

'It's okay. I'm used to being abandoned anyway.' Nakangiti ako habang nakatungo nung pinakita ko sa kanya 'yun. Nag-type ulit ako at pagkatapos nun, ngumiti ako ng napakalawak habang naka-peace sign. 'Joke lang! Kinabahan ka noh?'

"Ha. Ang korni."

I don't know what I am doing but I immediately put both of my hands together against my chest and stomped my foot like a little kid.

"Uy! Joke lang eh!" He chuckled while hovering over to the side, rubbing his palm on to my head as well. I can feel his breath against my cheeks but soon after, he cleaned his throat, trying to forget what just happened, I assume.

"Pupunta ka ng ospital?" Tumango lang ako sa tanong niya. "Tara na."

Nag-lakad na siya papunta sa gate ng school pero ako nakatayo pa rin dito. "Bakit?"

I thought of something as soon as he asked that. 'Yung bag ko nasa room pa rin natin eh.'

"Ah, edi kunin natin." Sumunod na lang ako sa kanya nung nag-lakad siya ulit.

Lahat na ng tao inaayos 'yung mga booths nila para gamitin pa sa buong week. 'Yung mga ibang club katulad ng tennis, volleyball, at baseball ay naghahanda na rin dahil kasama rin sila sa Inter-high ng buong siyudad namin. Nakita ko naman bigla si Rae na nag-lalakad mag-isa at parang may hinahanap, pupuntahan ko na sana siya kaya lang tumakbo ulit siya at hindi ko na siya nakita pang muli. Medyo nakalayo na si Rain sa'kin kaya tumakbo na rin ako papunta sa kanya at nakarating din kami sa wakas sa loob ng classroom. Nandoon pa rin yung mga ibang kaklase namin pero nag-aayos na rin sila para umuwi. Nginitian ko naman 'yung iba habang nag-papaalam na sila at pagkatapos nun, kinuha ko na kaagad 'yung bag ko.

Aalis na kaagad sana kami kaya lang biglang pumasok si Reece sa loob ng classroom. Umalis na rin yung ibang kaklase namin.

Oh, how unfortunate.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon