XXI - Apprehension

323 8 1
                                    

"...mo oh! Ang sweet nilang tingnan!"

"Kyaah! Sa kanila lang yata may forever!"

"Naiinggit ako! Tayo din, gayahin natin sila!"

"Okay ka lang? Babae ako! Dun ka nga! Inis ka."

Rinig na rinig ko yung mga bulungan nila sa paligid. Umaga na siguro at nakarating na rin ata kami sa Baguio. Iminulat ko na yung mata ko at nakita ko sa gilid na madilim pa rin. Anong oras na ba talaga? Kanina siguro mga hating gabi pa lang nun? Naalala ko nanaman yung ginawa niya sa'kin. Teka...

Kami ba yung pinaguusapan nila?

Agad akong napaupo ng maayos at binitawan ko na rin yung kamay niya. Umalis naman sila na parang wala lang nangyari at nilapitan ako ni Rae.

"Tsk, hindi ka na talaga nagsasabi sa'min Ia!" Umiling lang ako ng maraming beses at nag-type kaagad. 'No. We're not together yet, I promise! I'm still thinking about it...'

"Yet?! Sus! Ayaw mo pa kasi aminin! Haha, tara na. Iwanan na lang natin si Reece d'yan, inaagaw ka niya sa'kin eh!" Tumango ako sa sinabi niya - habang natatawa ng konti - at kaagad na kinuha yung mga gamit ko ng tahimik.

Pababa pa lang kami ng bus nang biglang sumulpot si Aisha. "Uy! Ia! Kayo na ba talaga?!" Again, I shook my head.

"Weh? 'Di nga?" Tumango ulit ako at nag-type. 'Promise. Hindi. Hindi ko din kasi alam kung sasabihin ko kay Daddy o hindi eh.'

"Anong sasabihin mo?" Naglalakad na kami ngayon sa hotel na pagtutulugan namin at bigla kong nakita si Rain na umaakyat na ng hagdan habang may kausap sa phone. Ibinalik ko yung tingin ko sa phone ko . 'Na gusto ko siya.' I was hesitating to show it to them but I did it anyway. This is so embarrassing.

 "Hahaha! Okay lang yan noh! Kwento sa'min ni Reece suportado parents mo eh! Pero take your time lang ah? No need to rush over these things! Kung ready ka na, edi dun mo na lang sabihin sa kanya!" Advice sa'kin ni Aisha. Tumango na lang ako ng paulit-ulit hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng kwarto namin ni Rae.

"Oh sige, mamaya na lang tayo magkita ah? Bye!" Nagpaalam na kami sa isa't isa at binuksan na ni Rae yung pintuan gamit yung susi na binigay sa'min kanina ni Ma'am. Nag-decide na kaagad kami kahapon pa lang kung sino ang gusto naming makasama sa iisang kwarto.

Papasok pa lang sana ako nang may narinig akong mga yapak ng mga paang tumatakbo na papalapit sa kinatatayuan ko. Nung tumigil na yung tunog, lumingon ako para tingnan kung sino yun at si Reece pala. Yumuko muna siya bago nagsalita. "Bakit mo 'ko iniwan dun?" And he made those puppy eyes.

Sumulpot mula sa kwarto si Rae at kunwaring galit pa. "Eh inaagaw mo siya sa'kin eh! Mwahaha!" Medyo madrama pa yung pagtawa niya, parang yung mga kontrabidang nanay sa mga teleserye. "Akin na si Ia! Magkasama kami dito, h'wag ka nang umangal! May gagawin kami mamayang gabi, hehehe."

Magsasalita pa lang sana si Reece pero hinila na kaagad ako ni Rae. Nag-make face pa siya sa kanya bago niya sarhan ng pinto si Reece. Natawa na lang ako sa mga sinabi niya at nag-ayos na kami ng mga gamit habang nagkwekwentuhan.

Pagkatapos naming iayos yung mga gamit namin, dumiretso na kami ng dinner room at hinanap yung table nila Aisha. Nag-usap din kami kahapon na magsama-sama kami lagi sa iisang table tuwing kakain kami.

Tinawag kami ni Nathan sa may dulo. Kumuha muna kami ng pagkain ni Rae saka pumunta sa table at umupo. Katabi ko si Reece ngayon, hinawakan niya yung kamay ko at bumulong. "Uy, totoo ba yung sinabi ni Rae kanina? 'Wag naman oh. Mauunahan pa niya 'ko?" Again! Those puppy eyes... why does he have to do it all the time?

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon