IV - Sweet Nightmare

1.1K 30 21
                                    

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Umalis ka na sa tabi ko!" Again, with those eyes! He yelled at me again.. what should I do?

Without even thinking, I held his wrist but he immediately pushed me. Nahulog din yung mga bitbit ko! "Ano bang kailangan mo?!" Dahil sinigawan niya ko, nakaagaw siya ng atensyon ng mga tao at nakatingin na silang lahat sa'min. Nahihiya ako, ano ba talaga dapat kong gawin? Hihingi ba talaga ako ng tulong sakanya?

"Tch."

Hindi ko na namalayan na hinila niya ako at yung plastic bags sa isang sulok at itinulak sa pader. Malakas yung pagkakatulak niya sa'kin kaya napatumba ako, para akong nabalian ng buto sa balikat! Para saan yun? Ipinikit ko muna yung mata ko ng ilang segundo saka ko ulit ito iminulat, iginala ko yung mata ko sa paligid.. nawala siya?

Pinilit kong tumayo, nararamdaman ko pa din yung sakit sa balikat ko! Hinawakan ko yung masakit na parte dun at hinanap na yung lalaking yun. Nag-lakad lakad pa ako at nakita ko siya sa isang shop/boutique at papasok na siya dun. Nagulat ako dahil flower shop pala ang pinasukan niya, bibili siya ng bulaklak? Para saan?

Nagtago ako sa likod ng puno para hindi niya ako mapansin, baka saktan nanaman niya ako.. maya maya, nakita ko na siyang lumabas ng shop at nag-lakad na ng mabilis. Sinundan ko ulit siya hanggang sa makapunta kami sa.. sementeryo?

Sinundan ko pa rin siya kahit na gusto kong umalis na dito.. may nagsasabi sa'kin na dapat ko pa rin siyang sundan, siguro kailangan ko nga talaga ng tulong niya. Tumigil siya sa isang puntod, lumuhod at inilagay yung bulaklak sa tapat nito. Nag-tago naman ako sa may isang gilid..

..who is he visiting?

Narinig ko siyang nag-salita. "Ma, kamusta na kayo? Masaya po ba kayo dyan?"

W-Wait, did he just..? It's his mom? Hindi na dapat ako pumunta dito! Kailangan ko nang umalis, nakakahiya. I'm sorry! I shouldn't just eavesdrop like this..

"Ikaw!" Napansin niya ako! "Bakit mo 'ko sinundan?!" Lumapit siya sa'kin at hinawakan yung braso ko. Bakit dun pa? Dun pa yung kung saan masakit yung balikat ko.. I tried getting away from his grip but I can't. Why is he always taking things aggressively?

Maya maya, napansin kong lumuluwag na yung kapit niya sa'kin at agad ko namang inagaw pabalik at hinawakan yung braso ko. Umupo siya sa isang bato at nakita kong nilabas niya yung phone niya. Ah! Hiramin ko kaya yun?

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya habang hindi siya nakatingin at kinalabit siya. Nagulat ako dahil sumigaw nanaman siya! "Ano ba?!" Natakot ako sa itsura niya at agad naman akong lumayo sa kanya.

Yumuko siya saglit at nag-buntong hininga. "Ano ba kasing kailangan mo? Sabihin mo na." Tumingin na siya sa'kin at hinihintay lang akong sumagot. Has he calmed down..? Ah, I guess so..

Tinuro ko yung hawak niya at tiningnan naman niya yun kaagad. "Anong gagawin mo dito? Hindi pwede." I guess I don't have any choice but to do that..

Lumuhod ako sa harap niya at nag-makaawa na parang asong-ligaw na humihingi ng pagkain sa isang stranger. Nagulat siya sa ginawa ko at agad naman siyang tumayo, nag-salita na rin siya pagkatapos. “Oo na, tumayo ka na dyan. Gamitin mo na, basta ‘wag mong nanakawin yan kundi lagot ka talaga sa’kin!”

Natuwa ako sa sinabi niya at tumayo kaagad saka ko nilinis yung tuhod ko. Kinuha ko yung phone niya at agad namang nag-type doon. Ipinakita ko din sakanya yung nilagay ko dun at ngumiti na din ako kahit papaano. 'Thank you! May pang-tawag ka?' Tumungo lang siya sa tanong ko.

Nag-type ulit ako at ipinakita ulit ito sa kanya. 'Could you tell my friend that I'll meet them at the bands' shop? My name is Eumeleia..' He nodded as his response, again.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon