IX - Pourquoi?

638 14 23
                                    

Hinatid na ako ni Reece sa bahay at wala nang sinabi pa nung nakarating na ako sa tapat ng gate namin. Nag-lakad na siya papalayo, para siyang nag-mamadali. Akala ko magkakaroon nanaman ng gulo kanina, hindi pala. Kinabahan talaga ako.. pero paano kaya nila nakilala ang isa't isa? Parang ang tagal tagal na nilang magkakilala.. ang dami kong tanong na hindi talaga masagot.

Bumungad sa'kin si Cy nung pagbukas ko pa lang nung pinto ng bahay at niyakap ako. "Ate! Na-miss kita!" Umupo naman ako at ni-yakap din siya. I kissed him on his left cheek and stood up. Tinanggal ko muna yung sapatos ko at nilagay sa tabi bago pumasok sa bahay.

"Ate! Can I meet with Kuya Reece and play with him someday?" Tiningnan ko lang siya at inisip ko yung mga sinabi ko sa kanya na huwag nang makipag-usap sa kanya. He disobeyed me.. but it's fine, I guess. Okay na naman kami ni Reece, sa ngayon. I still doubt him a little.. Tumungo ako sa sinabi niya at umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Mukhang wala pa din sila Daddy.

"Ah! Ate! I found something at the basement earlier! Come with me, it's really special!" Iniwan ko muna yung bag ko sa kama at agad nang lumabas at sinundan si Cy.

Binuksan ko naman yung pinto pababa ng basement at nung nakarating na kami dun, may hinalungkat pa siya at hinila niya ito papunta sa'kin. He unzipped the case and he let me take a look at it. "It's your guitar!"

A guitar? How can I own a guitar like this..?

"Ia! Ang galing mo talagang mag-gitara! Nakaka-inggit, sana marunong din akong tumugtog ng mga instruments!"

"If you don't want me to ruin their lives, leave them already. They're just a waste of your time."

"Hoy! Bumalik na kayo dun! Tama na ang chismisan dyan!"

Various images are spreading around my mind, a scene where a person is praising me. A scene of someone who looks like her threatening me, and someone else shouting at us. I was with three other people who I don't know. I can't see their faces clearly. My head was hearing a bunch of sounds; a sound of an electric guitar playing different notes, people giggling, a woman screaming, whispering sounds, a music played with the piano and someone singing. I could also hear a flat line sound from a heart rate monitor, as if someone was just dead.

Napaluhod ako sa mga nangyayari at tinakpan ko yung tenga ko gamit ang kamay ko. Bumagsak din yung mga luha ko sa hindi malamang dahilan at hindi pa rin maalis yung mga naririnig ko. Paulit-ulit lang itong pumapasok sa tenga ko. Parang may nag-play lang ng mga 'to sa isang music player at hindi makuntento kaya nir-replay pa niya.

I tried screaming as loud as I can, but there was nothing to be heard from my mouth.

I can't take this anymore!

Naririnig kong sumisigaw si Cy pero hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya. Pahina ng pahina yung pandinig ko at parang nawalan ako ng paningin. Unti-unti din naman itong bumalik at nawala na yung mga naririnig ko at mga nakikita ko.

"Ate? I'm so s-sorry! Y-You don't really w-want to play the g-guitar?" Niyakap niya ako habang sinasabi niya yun at natulala na lang ako. Ano bang nangyari.. bakit bigla na lang akong nagkaganun?

Was that all from my past?

Umalis lang ako at iniwan si Cy dun. Paika-ika akong naglakad paakyat at pati papunta sa kwarto. I feel excruciatingly tired. Ipinahid ko yung mga luha ko gamit ang kamay ko nung nakahiga na ako sa kama. I don't have time to think about that right now.. I need to sleep.

* * *

Nagising ako sa sikat ng araw mula sa bintana. Lumingon ako sa gilid para tingnan kung anong oras na at mag-10AM na din pala. Ramdam kong namamaga yung mga mata ko, mukha na akong weirdo for sure.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon