XIII - Unheard Voices

572 10 4
                                    

'Let's go to the Pincoya's concert on Saturday!'

Nalaman kong may concert sila sa Saturday dahil sinabi din ni Rae sa'kin 'yun nung pumunta ako sa bahay nila. Nalungkot pa nga siya dahil wala siyang pera para makapunta ng concert nila at suportahan din sila.

Nung sinabi ko sa kanya na ililibre ko silang dalawa sa concert nila, tuwang-tuwa si Rae at naiyak pa nga siya eh! Ganun niya kamahal yung the Pincoya's, grabe talaga ang pagiging die-hard fan niya sa kanila. Sobra-sobra na ang suporta na binibigay niya, kahit nga daw ang pagboto sa kanila sa internet sa mga music charts ay ginagawa niya para lang sa kanila.

Gumawa ako ng paraan para makuha ko ang bank card ko kay Daddy, itinatabi nila yun para hindi ako makagastos ng madami at para hindi maubos yung perang inipon nila para sa'kin. Ang sabi ko kailangan ko para sa project namin. Naniwala naman kaagad sila dun at ibinigay na din nila yung pin para dun; 810250, nagtataka nga ako kung bakit ganun eh... hindi ko naman birthday yun. Sa pagkakaalam ko, sila din ang pumili ng mga numbers na yun, ewan ko talaga kung ano meaning nun. Matagal na akong nac-curious din doon, pero alam kong hindi ko yun malalaman kasi masikreto sila.

Nagpa-reserve na ako ng tatlong VIP tickets pagkatapos ng birthday ni Rae at nag-down payment na rin ako. Ang mahal din ng mga tickets para lang mapanuod sila, 4k ang isa nun. Buti na lang medyo madami ang naipon nila sa banko para sa'kin kaya may natira pang kalahati nun.

Kaya ko pinili yun dahil gustong-gusto makita ni Rae ng malapitan yung banda na yun, kahit ako nga eh, gusto ko sila makita lalong lalo na si Mika. Excited na akong makita siya at makipag-shake hands sa kanya sa meet and greet session pagkatapos ng concert. Gusto ko siyang makilala pa ng husto, parang gusto ko na siya maging kaibigan.

* * *

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday Rae Trisha..."

"Happy Birthday to you!" Sabay-sabay naming kinanta yun kasama ang pamilya niya, pati na rin sila Reece. Nasa bahay nila kami ngayon dahil nga birthday na ni Rae. Hawak ng kuya niya ang binake niyang cake at itinapat nito yung chocolate cake sa kanyang kapatid.

"Dapat hindi niyo na lang binanggit yung Trisha! Ayoko talaga ng pangalan na yan! Masyadong girly!" Pagrereklamo ni Rae habang naka-pout at ipinagpatong pa niya yung dalawang kamay niya sa dibdib niya.

Nilapitan naman ni Blaize si Rae at inasar siya bigla. "Yung totoo, tibo ka ba Rae?" Sinuntok lang nito si Blaize at napa-aray ito sa sakit. Nakita ko ng sumuntok si Rae dati, sinuntok niya si Aisha at umiyak pa 'to! Ganun siya kalakas, para siyang lalaki!

"Ano ba talaga? Lalaki ka ata eh, nagpa-sex change ka siguro noh?" Tinadyakan lang siya ni Rae at sinigawan siya. "Eh ikaw? Bakla ka kasi! Bakla!"

Hindi na sumagot si Blaize dahil napaupo na siya sa sobrang sakit ng mga suntok at tadyak na natamo niya mula kay Rae. Ipinagpatuloy na lang ng birthday celebrant ang pag-wish at hinipan na nito ang mga kandila. Nagpalakpakan na kami habang pinagtatawanan pa rin si Blaize na nagrereklamo na pero inaasar pa si Rae. Para talaga silang aso't pusa! Haha! 'Di sila nagsasawa na mag-away, masaya ba talaga makipag-away?

Bigla kong naisip si Rain dahil doon pero agad ko rin ito winala sa isip ko. Hindi na rin naman siya nagpapakita eh, mabuti na rin yun at hindi niya ako nagugulo.

Kumain lang kaming lahat at nagkuwentuhan. Umalis na yung nanay ni Aisha at yung kuya ni Rae dahil pang-gabi yung mga trabaho nila. Yung nanay naman ni Rae ay agad nang natulog dahil daw sa sobrang pagod.

Habang umiinom ako ng juice ay napansin kong lumapit si Nathan kay Aisha. Ngayon ko na lang ulit sila nakitang ganito, yung magkatabi sila. Walang umimik sa kanila ni isa, hanggang sa inilapag ni Aisha yung cake na kinakain niya at tumayo para pumunta sa kusina. Sinundan siya ni Nathan. Hindi na ako susunod sa kanila, kahit nac-curious pa ako, ayoko namang makielam sa problema nila. Saka na lang ako mangingielam kapag humingi na ng tulong sa'kin si Aisha.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon