XXV - Stupidity

300 8 1
                                    

Aisha's POV

"Ang tagal naman niya. Nasaan na ba yun?" Nasa rooftop kami ni Nathan ngayon at hinihintay kong pumunta si Rae dito. "Okay nga 'yun eh para makasama kita nang tayo lang dalawa." Bumulong siya pero alam ko ang sinabi niya. Nagloloko nanaman 'tong lalaking 'to, sabi ko magkaibigan na lang kami eh. Kaya lang, ang sakit pa rin sa'kin dahil mahal ko pa siya. Pareho lang kami ng nararamdaman ni Ia.

"Ha? Pinagsasabi mo?" Kinuha ko na lang yung chichirya sa may mesa at kumain. Tinawag niya ang pangalan ko ng mahinhin. Parang malungkot siya. "Aisha."

"Ano?" Lumingon ako sa direksyon niya at nakita kong lumapit siya sa'kin. "A-Ano kasi eh... hindi ko na talaga matiis. Maha--" Tumigil bigla sa pagsasalita si Nathan dahil bumukas ang pinto at lumabas doon si Blaize. Tumakbo siya papunta sa'kin at hinawakan yung kamay ko, saka kami pumasok sa loob ng school.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo ko dinala dito? Ano nanaman bang trip mo, ha?" Sunod-sunod yung mga tanong ko pero iisa lang ang sagot niya habang hinihingal pa siya. "Pinagt-tripan ko lang si Nathan." Pagkatapos nun, tumawa siya ng lakas.

"Lakas talaga ng tama mo sa ulo." Napailing lang ako habang kinakain yung chichirya na kanina ko pa hawak. Inaabangan ko na rin si Rae sa may hagdan para sunduin siya.

"Pero Ai-" Hindi ko na muna pinatapos sa pagsasalita si Blaize dahil nakita ko si Rae na tumatakbo na papalapit sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya saka kami umakyat papunta sa rooftop at naiwan naman si Blaize sa baba. Akala ko naman susunod siya.

Umupo na kaming dalawa at pinalo ko ng mahina sa hita si Nathan. "Hoy, 'wag ka ngang mag-senti d'yan. Ano bang pag-uusapan natin?"

"Ah, papakasalan na kasi kita eh."

Napa-facepalm ako sa sinabi niya. "Tss. Pwede bang tigilan mo 'yan? Ano nga? Alam mo kung 'di mo lang ako binibigyan ng pagkain, hindi kita kakausapin dahil kaibigan ka ni Reece. Pareho kayo ni Blaize. Aish, 'di ko talaga mapapatawad yung lalaking 'yun sa ginawa niya kay Ia."

Tumawa siya ng mahina bago nagsalita. Mukha ngang seryoso ang pag-uusapan namin. "Ito na nga kasi eh! Tungkol nga ito sa kanilang dalawa, pati kay Yna at Rain."

"Ano 'to? Love Square?" Komento naman ni Rae.

Nagkwento na si Nathan at pareho kaming nakikinig sa lahat ng sinasabi niya. "Parang? Ganito kasi 'yun. Ang sabi sa'kin ni Reece, kunwari lang siyang may gusto kay Yna para daw matauhan siya kasi pilit niyang pinaghihiwalay silang dalawa ni Ia. Ito namang si Yna, nagpanggap na boyfriend niya si Rain para hindi halatang may gusto siya kay Reece. Nakakainis noh? Para silang nasa isa--"

"I don't need your opinion. Eh bakit hindi sinasabi ni Reece kay Ia yung nangyayari? Tingnan mo, nasasaktan tuloy si Ia! Ang inosente ng tao tapos ginaganyan niyo!" Pagrereklamo ko. Nakakainis naman kasi talaga, hindi na lang sabihin ni Reece bago pa nangyari ang lahat. Dapat kasi sinasabi din niya ang mga nangyayari eh.

"Aba ewan ko! Basta yun lang ang sinabi niya sa'kin eh. Hindi pa siguro alam ni Reece na alam ni Ia yung plano niya."

"Hay... kinakawawa niyo talaga si Ia." Tugon ni Rae. Kumain na lang ulit ako habang iniisip kung ano pwedeng gawin para mapagbalik ulit yung dalawa.

Kumuha bigla sa kinakain ko si Nathan at sinamaan ko siya ng tingin, pero pinabayaan niya lang yun at nagtanong pa rin. "Ano nang plano?"

"Teka, teka, eto na. Nagiisip na. Kalma." Medyo lumayo na ako sa kanya para hindi na siya makakuha ng pagkain! Haha, napakadamot mo talaga Aisha.

Tahimik lang kaming tatlo habang nagiisip at saktong pagbukas ulit ng pinto, lumabas si Blaize doon at nakaisip na ako ng paraan.

"Aha! Alam ko na!"

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon