V - Some people has masks

1.1K 23 16
                                    

"Ate, hurry up and wake up already.. we still have to explore the other collections here!" Nagising ako sa pagre-reklamo ni Cy at sa pagyugyog niya sa katawan ko. Iminulat ko yung mata ko at nakita kong nakangiti na si Cy. "Yehey! Let's go na, Ate!"

Hinawakan ako ni Cy sa kamay at hinila ako patayo. Medyo nahilo pa ako pero mabilis naman itong nawala. Lumabas na kami ni Cy sa office ni Daddy, pero bago pa kami makalayo dun, may humawak sa braso ko, lumingon naman ako at nakita ko si Daddy.

"Eumeleia, okay ka na ba? Bakit ba bigla kang hinimatay kanina? Dapat hindi ka nalang sumama kung masama pala ang pakiramdam mo." Tumungo lang ako sa mga tanong niya at ngumiti, saka kami umalis ni Cy at papunta na sa third floor.

Nag-libot pa kami ng konti at nakakita kami ng isang 3D floor painting. Nakakalula siya tingnan, akala mo totoo talaga siya. Mukha siyang isang sinkhole at may sira-sirang bridge sa gitna. Simple lang siya, pero parang may meaning yung pagkaka-paint nito. I checked who made it and again, it was made by Rina Aquino. Ang galing naman pala talaga niya, madami pa siguro siyang paintings dito..

"Ate!" Hinila ni Cy yung dress na suot ko at tiningnan ko naman siya. May tinuro siya sa gilid at nakita ko si Reece na papalapit na sa pwesto namin. "Who's that? Tinatawag ka niya!"

Teka.. anong ginagawa niya dito?

"Eumeleia! Hello!" Nakalapit na siya sa'min at magsa-salita pa lang ulit siya pero biglang sumigaw si Cy. "Sino ka?! What do you need from my ate?!" Tumingin naman si Reece sakanya at ngumiti lang, saka siya umupo at kinausap si Cy.

"I'm her friend, don't worry, okay? I won't hurt your sister." Ngumiti lang siya ulit pagkatapos niyang sabihin yun. He also patted his head. Lumapit na siya sa'kin, lalo lang akong lumalayo sa bawat hakbang niya papunta sa'kin.

I know he helped me before, he helped us... actually, but I still don't trust him. I don't even know why. Something's telling me I shouldn't, but at the same time, I should. Which one is it, really..?

Nakalapit na sa'kin si Reece at agad naman akong lumayo at tumakbo papunta sa office ni Daddy. Naiwan ko si Cy doon! Eumeleia, what are you doing?! I hate myself..

Napilitan na akong lumabas ulit ng office ni Daddy. Pagkabukas ko palang ng pinto, nakita ko na kaagad sina Reece at Cy. "Ate! Why did you run away?" Tumingin ako kay Cy at umiling ako sa tanong niya. Binalik ko din yung tingin ko kay Reece at nagulat ako dahil tinawag siya ni Daddy.

"Oh! Reece, nandito ka na pala. Take a seat." Umupo naman si Reece sa upuan sa harap ng table ni Daddy. My Dad knows him?! Why..?

Hindi ko rin marinig yung pinaguusapan nila dahil medyo malayo sila sa'kin. Maya maya, narinig ko na lang na pinapaalis na kami ni Cy at mag-libot pa daw muna kami ulit dito sa museum. Ano kaya ang pinaguusapan nila? Kinakabahan ako.. I really have a bad feeling about this.

Niyaya ko na lang si Cy na kumain kami sa labas at pumunta kami sa isang convenience store. Nagpabili siya ng ice cream at juice lang naman binili ko. Umupo kami sa isang bench sa labas ng store.

"Ate, don't you like him? Kuya Reece! He's really nice! I thought he was a bad guy." Nagulat ako sa sinabi niya at tumingin lang ako sakanya habang kinakain niya yung ice cream. Siguro nga.. siguro hindi naman talaga siya masama. I was just over-thinking things. Masyado akong nagaalala.

'Okay then. I'll try to be friends with him, okay?' Itinype ko yun sa phone ko saka ko ito pinakita kay Cy. Ngumiti naman siya at niyakap ako ng mahigpit, humiwalay na rin siya sa'kin kasi natutunaw na yung ice cream niya. "Thank you ate! I want to be super close to him too!" Ngumiti ulit siya. Natutuwa talaga ako tuwing ngumingiti siya. Parang lahat ng problema ko nawawala dahil lang sa ngiti niyang yun, mabuti nalang may nagmamahal pa rin sa'kin sa pamilya ko.

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon