LII - Dubiety

216 5 1
                                    

After the competition, a few days later, all of us took the exams and surprisingly passed it all; we also heard that the status of Mika's band, the Pincoya's, was put into a very long hiatus. Aalis at pupunta rin daw si Mika sa ibang bansa pero hindi namin alam ang dahilan. Nalungkot ako dahil akala ko makakapagusap pa kami. Naramdaman ko na ulit yung feeling na okay na ang lahat. Wala nang problema pwera na lang sa hindi ko pa nasasabi kay Rain na aalis din ako. Natatakot ako.

I'm scared of how he will react about it. I'm always scared at the thought that if I do tell him, he might realize our situation and can't stand it, so... he might just leave me too.

How does he really feel about me?

How do I really feel about him?

"The details of your Senior's Prom is indicated in this paper. Bibigay ko ito sa harapan at pasa-pasahin niyo na lang, okay?" Tumango naman kaming lahat sa sinabi ni Ma'am Andrada.

Ibinigay niya sa'kin ang medyo makapal na papel, kumuha ako ng isa at ipinasa sa likod yung ibang natira. Tiningnan ko naman yung mga naka-sulat at puro rules and guidelines lang naman at syempre, nakalagay din doon ang date, time at place kung saan gaganapin ang prom.

March 7... what should I do...?

"Class dismissed."

Tumayo na kaming lahat para mag-paalam kay Ma'am at nag-ayos na rin kami para umuwi. Naririnig ko sa paligid na pinaguusapan na kaagad nila yung tungkol sa prom pero ang nasa isip ko pa rin ay kung paano ko sasabihin kay Rain ang lahat. Hinanap ko na lang muna si Rae.

Sakto namang kinuha niya rin ang kamay ko nung nag-kita kami sa gitna ng classroom. "Tara na!"

"H-Ha? T-Teka, saan tayo pupunta?" Medyo nakaladkad na niya ako nung nakalabas kami nung classroom. Umayos na ako at nag-lakad na ng mabilis. "Alam mo bang simula nung nakita ka nilang kumanta sa TV, nagustuhan ka ng mga ibang lalaki dito? Tss, kay ano ka lang noh!"

Natigil ako sa pag-lakad at tumingin lang siya sa'kin.

"H-Ha?!"

"Grabe noh? Hahaha! Joke lang, hindi naman marami. Ewan ko, lagi ka pinag-uusapan dito atska tayo eh, hindi mo ba naririnig?" Umiling ako sa tanong niya. I was preoccupied by thinking too much!

"Ay basta! Tingnan mo, may lumalapit na sa'ting lalaki. Tara na!"

Natulala pa rin ako kaya hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Yung lumalapit na lalaki, pamilyar ang mukha at parang nakita ko na siya dati pa bukod dito sa school. Hindi rin siya nakatingin sa'kin kundi kay Rae na hinihila yung kamay ko. Natuwa ako nung na-realize ko na kung ano nangyayari.

"Rae, goodluck!" Tumakbo ako pabalik ng classroom at nakita ko namang wala ng tao doon.

He was the drummer of the band, Overdrive! I didn't know we went to the same school.

Pinanuod ko sila Rae na nag-uusap sa gilid nung hallway. Kaya lang na-realize ko ring wala naman 'tong ginagawa ko kaya tumigil na ako sa pag-tingin sa kanila. Nagulat na lang ako nung nakita kong pumunta na si Rae sa classroom.

"A-Anong nangyari?"

Hinihingal siya habang nakapatong ang mga kamay sa tuhod niya. "I rejected him."

"Bakit?!"

"Ewan ko! Tapos... tapos ang nasabi ko may kasama na akong pumunta sa prom." Tumayo na siya ng maayos. "Eh? Sino?"

"Si... siya!" Tinuro niya si Blaize na kakapasok lang ng classroom galing sa kabilang pintuan at nagulat naman siya dahil biglang lumapit si Rae sa kanya. "Please! Ikaw na lang date ko sa prom!"

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon