III - An eerie person

1.2K 34 7
                                    

"Good afternoon, class!" Masiyahing bati sa'min ni Ma'am Merli habang papasok siya ng classroom namin. Tumayo kaming lahat, nag-bow, at bumati din sila ng masayang good afternoon.

Umupo na din kami pagkatapos bumati. Ngumiti muna si Ma'am bago tumalikod sa'min. Kumuha siya ng chalk at nag-sulat sa board at ang nakalagay ay.. Acquaintance Party?!

Lahat kami ay nagulat at yung iba, ay natuwa. Nagbubulungan na silang lahat ngunit pinatahimik muna kami ni Ma'am. "Yes, you read it right! Magkakaroon tayo ng Acquaintance Party next Friday!" Kaya naman pala maganda ang mood ni Ma'am!

Nag-taas ng kamay yung class president namin at pinatayo naman ito ni Ma'am. "Ibig sabihin po ba nito ay wala kaming klase sa buong araw na yun, Ma'am?" Tumungo lang si Ma'am sa tanong niya at ngumiti.

Tuwang tuwa ang buong klase, pati si Rae nakita ko na masaya! Nagsusulat muna si Ma'am sa board habang naguusap-usap pa yung iba. Maya-maya, in-explain na ni Ma'am ang mga dapat gawin para sa party na iyon. "We'll divide the class into seven groups, and each will have four students. I will assign every group their tasks and I will also set a leader for each group. Like.. this." Humarap na si Ma'am at ipinakita sa'min yung mga groups, leaders, pati na rin yung mga gagawin ng bawat grupo.

Huminga ako ng maluwag dahil nakita kong kasama ko si Rae sa grupo ko at puro babae din ang kasama namin, mga kasama pa sa class officers!

Pumunta na ang buong klase sa kanya-kanyang grupo at lumapit na ako kay Rae at nag-usap na rin kami ng grupo namin. Ini-assign sa'min na bumili na lang daw kami ng materials para sa gagawing decorations sa group, pati na rin sa booth namin sa may gym ng school. Ngayon ko lang napansin, parang foundation day lang ng school! Nakakatuwa naman.. masaya pala talaga sa school!

Nag-bell na din at sabi ni Ma'am pwede na kaming umuwi o kaya naman ay bumili na ng mga materials para sa Acquaintance Party namin.

* * *

"Grabe ka talaga, Ia! Ganun mo talaga kami kamahal?" Tanong sa'kin ni Rae habang papunta kami sa mall para bumili ng materials. Tumungo lang ako sa tanong niya at ngumiti.

"Mahal ka din namin Ia! Yay! Friends forever tayo diba?" Naramdaman ko yung tuwa nang marinig ko ang mga salitang yun. Hindi ako makapaniwala, mabuti na lang at nakilala ko sila. Sana hindi na kami magkahiwalay pa.

Niyakap ko si Rae at tumungo ulit, tumawa din naman siya at nag-salita. "Hahaha! Tara na, Ia.. bili na tayo para mamaya makapag-bonding din tayo! Tatawagan ko din si Aisha mamaya!"

Dumiretso na kami sa National Bookstore para bumili ng mga kailangan sa decorations sa room, pati na rin sa booth namin. Sabi sa'min ni Ma'am, Maid Cafe daw ang gagawin namin at magc-crossdress lahat. Nae-excite ako! Ano kayang itsura ko kapag suot ko na yung mga sinusuot ng mga butlers? Sana Friday na ulit!

Pagkatapos naming bumili ng mga materials, lumabas na kami at pumunta sa isang ice cream parlor sa gilid at umupo sa isang bakanteng upuan na pang-apat na tao lang yung pwedeng umupo. Tinawagan muna ni Rae si Aisha habang ako naman ay nanunuod lang sa T.V malapit sa counter.

Maya-maya may ipinakitang commercial tungkol sa isang three-girls band at nakakatuwa dahil ang gaganda nila! Sikat na sikat pala sila, nakakatuwa naman, tapos lahat pa sila babae. Ano kayang pangalan ng banda nila?

Patuloy pa akong nanuod at ipinakita din sa T.V yung pangalan ng banda, the Pincoya's pala ang pangalan ng banda nila. Ang ganda talaga nila, lalo na yung nasa gitna! Leader siguro nila yun?

"Eumeleia! Uy! Nakikinig ka ba?" Hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni Rae kaya nilingon ko siya at nag-bow sa kanya. Kinuha ko na yung phone ko sa bulsa ko at nag-type, ipinakita ko din 'to sa kanya at ngumiti. 'Sorry, nanunuod kasi ako ng T.V eh. What were you saying again?'

A Reviving VocalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon