Athena Jane's POVNaalimpungatan ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Agad napabangon naman ako sa kama at nag unat-unat ng aking mga kamay.
"Hayst, Morning Philippines," inaantok kong usal.
Tiningnan ko ang orasan na nasa tabi lang ng table ko para malaman kung anong oras na. Namilog na lang ang mga mata ko nang makita ko ang kung anong oras na.
"My god! Late na ako!" pasigaw na wika ko. Agaran nagtungo ako sa banyo para makaligo. Nang nakatapos na ako ay dali-dali ako nagbihis ng uniporme ko.
"Hala bakit kasi late na ako, alas-siete pa naman ang first subject namin tsk," asik ko habang nag-aayos ng aking sarili.
Dali-dali ako bumaba para hanapin si Daddy sa may dining area.
"Dad! Asan po kay0? I'm sorry kung late na po ako gumising," saad ko.
"Mam, wala po si Sir Benedict. Maaga po umalis eh," saad sa akin ni Manang.
"Teka oh bakit parang ang aga naman? Nakakapagtataka naman po,"
"Hindi ko po alam eh, basta nagmamadali siyang umalis," sabi niya.
Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni Yaya sa akin. Nagtungo na ako sa hapag kainan para kumain. Nang nakatapos na ako kumain ay naisipan ko na umalis.
Papunta na sana ako sa van namin nang natigilan ako. May tumawag sa cellphone ko at nakita ko si Daddy ang tumatawag. Agad sinagot ko naman ito.
"Hello Dad?" usal ko sa kabilang linya.
"Baby, I'm sorry kung hindi na kita ginising. Kailangan ko pumunta ng maaga sa office. Marami kasi ngayon gagawin si Daddy eh, sina Luke ang magsusundo sa'yo ngayon. Sinabihan ko na sila," saad niya sa kabilang linya.
Nakaramdam tuloy ako ng pagka-lungkot sa sinabi niya. Firstime ko hindi makasama si Daddy ngayon.
"Ah gan'on po ba okay lang Dad! No problem basta mag-ingat ka po sa maghapon ah? I love you po!" masigla kong turan sa kan'ya.
"Okay, sige bye na, love you too," nagmamadaling wika niya agad ibinaba na ni Dad ang tawag namin.
"Napansin ko busy na si Daddy nowadays," usal ko sa aking sarili maya pa ay nakita ko may pumasok na sasakyan sa gate. Agad lumabas ako para tingnan ito.
Nakita ko na kakarating pa lang nila Luke, Ivan at Hero.
"Athena dear! Tara na! Mahuhuli na tayo sa school!" pasigaw na wika ni Luke.
"Oo na! Late na nga tayo eh, tsk," asik ko agad sumakay na ako sa loob ng kotse nila.
Naupo ako sa front seat at si Hero pala ang magmamaneho ngayon.
"Good morning Athena," masiglang wika ni Hero sabay ngiti sa akin.
"Ah eh, goodmorning din Hero!" bati ko ginantihan ko rin ito ng isang matamis na ngiti.
"Buti naman okay ka na ngayon Athena," saad naman ni Ivan.
"Oo naman siyempre kailangan eh!" ani ko.
"Tara na umalis na tayo bilisan mo sa pagmamaneho Hero ah, para 'di tayo malate." Tugon naman ni Luke.
"Hindi ko puwede bilisan Luke, ano ka ba? Gusto mo ba matakot 'to si Athena, kailangan natin siya ingatan. Kung hindi malilintikan tayo nito kay Tito Benedict," saad ni Hero sa kanila.
Puwede na ba ako mahimatay ngayon sa kinauupuan ko? Ang sweet talaga ni Hero sa akin! Nakaramdam tuloy ako ng paghanga sa kan'ya. Napakacaring niya sa lahat! Hindi tulad ng dalawang ugok na ito mga walang concern sa akin.
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantasyAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...