Chapter 9 The Reunion Party

39 16 12
                                    

Athena Jane's POV

Lumipas ang ilang araw wala kami lesson sa school dahil sa paghahanda para sa nextweek for intramurals ng school. Naisipan namin ni GM na palagi tumambay sa kompanya.

Para hanapin ang perfect match ni Daddy. Nagdahilan ako kay Dad na gusto ko lang pag-aralan ang operation ng kompanya. Kaya kapag wala akong pasok pupunta ako ng kompanya para mag-observe.

Pero ang totoo niyan idea ito ni GM para naman hindi ako paghinalaan ni Daddy. Kahit kelan matalino talaga ang babaeng ito. Kung hindi dahil sa kanya di ako makakagawa ng mga reasons.

Heto kami ngayon sa may staff area habang naglilibot kami ni GM palagi ko hawak ang mahiwagang bola na ito. Inilalahad ko din ito sa tuwing may kausap si Dad na babae dito.

"Hays! Kulay blue ulit ang ilaw ng bola GM ," dismayang wika ko bumuntong hininga nalang ako.

"Okay lang yan! Ayon oh may mga kausap nanaman si Daddy mo mga babae, oh dali na puntahan muna!" agad tinulak pa ako ni GM papunta doon.

"Oo na! Nanunulak ka nanaman eh! Pansin kanina ka pa sige tulak sa akin," naiinis kong wika.

"Hahah double time my dear Athena! Remember tumatakbo ang oras," aniya inismiran ko na lang ito.

Lumapit ako sa mga nakakausap na babae ni Dad. Busy sila sa discussion tungkol sa reports.

"Hmm please revise this proposal tsk, may mali pa rin ako nakikita. Ayusin niyo naman trabaho niyo, paulit-ulit na lang ako pero 'di niyo pa nakukuha?" naiiritadong wika ni Daddy sa mga empleyado niya.

Napansin ko bad mood si Dad ngayon. Agad inilahad ko sa kanila ang bola, umilaw ito ngunit kulay blue nanaman.

Napasingamot naman ako agad bumalik ulit ako kay GM.

"Hmmm negative tsk," dismayang wika ko.

"Hmmm alam mo feeling ko wala naman dito sa office ni Dad ang ka- forever niya. Kanina pa tayo libot dito halos nga mga nakakasalamuha natin na babae. Kahit nga bakla sinubukan ko na din pero wala!" dismayang wika ko.

Ngunit tumawa si GM ng malakas.

"Hahahah! Ano kako? Pati bakla sinubukan mo? Shunga ka talaga nuh? Paano naman papatol ang daddy mo sa bakla? Minsan natatawa na ako sa'yo Athena," natatawang wika niya sabay hawak sa tiyan niyan.

"Hays! GM naman eh!" naiinis kong wika. "Oh bakit ba ikaw naman kasi pinapatawa mo ako," natatawang wika niya.

"Hays paano ba natin kasi mahahanap ang perfect match ni Dad!" mariin kong wika napansin ko pinagtitinginan na ako ng mga tao dito.

"Hija, may kausap ka ba?" sabi sa akin ng isang empleyado ng kompanya.

"Ah eh nako oh wala oh hehehe," agad umiwas ako sa kanila.

"Hays GM naman! Di na nga kita kakausapin! Nagkakamalan tuloy akong baliw rito," naiiinis kong wika.

"Oh bakit ba kasi hina mo sa diskarte ah? Alam mo naman nasa public tayo eh," aniya.

"Maiba nga tayong diskarte ah, did you make some list kung sino ang target mo na mga babae?" pagtatanong niya.

"A list? Hmmm hindi eh kasi 'di ko naman kakilala mga nakakasalamuha ni Dad eh," ani ko.

"Hays! Yung mga kakilala lang ng Daddy mo, ang itarget mo. Kung nandito kasi tayo baka magsasayang lang tayo ng oras sa kawalan, kaya much better kung gumawa ka ng list kung sino target mo," aniya.

"Hmmm wala naman ako kasi kakilala eh, ang alam ko lang mga babae na kilala ni Dad is yung mga Tita's ko. Sina Tita Stacey, Tita Sam at Tita Gail, eh hindi naman pwede sila na itarget ko kay Dad nuh! Mga taken na mga iyon," ani ko.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon