Chapter 10 The Reunion Party (Part 2)

50 16 16
                                    

Athena Jane's POV

"Anong ginagawa ni Precious dito GM? Huwag mo sabihin na kabatchmate siya ni Daddy tsk," naiinis kong wika.

"Hmmm I think so yes! Baka kabatch mate niya nga," aniya. "Uh? Nakakainis bakit parang nakakahalata na ako. Kung nasaan si Dad palagi siya nandiyan," pagtatakang wika ko.

"Hmmm ang mabuti pa ay subukan muna sa kanya ang mahiwagang bola," sabi sa akin ni GM.

"Pero—," natigilan ako ng may tumawag sa akin.

"Athena!"

Hinanap ko kung sino ang tumawag sa akin nakita ko sina Tito Jake at Tito Joshua. Kasama nila sina Ivan at Hero.

"Whoaa! Ikaw ba iyan Athena? Ang ganda mo ah?" manghang wika sa akin ni Ivan. "Ah eh hehehe ano kasi—-," nahihiyang wika ko sa kanila.

"Anak nasaan ang Daddy mo?"pagtatanong sa akin ni Tito Jake.

"Ah eh nandon po," ani ko agad tinuro ko sa kanya ang direction kung nasaan si Dad. "Okay anak salamat, maiwan na namin muna kayo ah? May pupuntahan lang kami ng Tito Joshua niyo," sabi sa amin ni Tito Jake.

Agad umalis na sila at naiwan na lang kami nila Hero at Ivan.

"Hmmm ano naman ginagawa niyo rito?" pagtataka ko.

"Malamang gusto rin namin umattend ng reunion ni Dad, wala naman bawal eh, makatanong naman ito. Ikaw nga diyan nandito eh," natatawang wika ni Ivan sa akin.

"Tse! Whatever," pagtataray ko.

"Hmmm pero honestly nag-improve ka Athena. Mas lumabas ang tunay mong kagandahan. Sana palagi ka na lang ganyan," sabi naman sa akin ni Hero.

Nakaramdam tuloy ako ng pamumula sa magkabilang pisngi ko. Pwede na ba ako kiligin ngayon? Kaso huwag muna dahil may mission kami ni GM.

"Well honestly speaking, kaya kami nandito ni Hero, dahil gusto namin malaman kung sino nga ba ang sinasabi nilang The Zorro boy's," nanabik na wika ni Ivan.

"Ah anong connect niyan dito sa reunion ng mga Daddy natin ah?" pagtataka ko.

"Narinig ko kasi kina Dad na dito sa batch na ito, nandito daw talaga ang Zorro boy's. Noong hindi pa raw tayo nag-exist sa mundo sikat na sila nung panahon nila Dad. Sila kasi yung mga magigiting na kalalakihan na nagdisguise at may suot itong maskara katulad ng isang Zorro, para tumulong sa kapwa nila, is that amazing? May bayani pala noong panahon," malahad na wika ni Hero.

"Wow gano' ba 'di ko alam to ah?" manghang wika ko.

Natigilan kami ng biglang nagsalita ang emcee ng event.

"Hello goodevening everyone welcome for this event! Tonight we are celebrating our reunion," masiglang wika ng emcee.

Habang nagsasalita ang emcee ng words of wisdom tungkol sa event ay hinanap ko si GM. Nasaan nanaman kaya ang babaeng iyon palagi nalang nawawala.

"Hey teka bakit palagi mo nalang hawak iyang bola na iyan," pagtataka ni Ivan.

"Oo nga eh, may ano ba sa bola na iyan Athena," sabi naman ni Hero.

"Ah eh ano kuwan wala to lucky charm ko kasi, kaya palagi ko talaga," pagpapalusot ko. "Hindi nga?Lucky charm talaga?" pagtataka ni Ivan.

"Oo nga eh ah basta!" asik ko.

Maya pa ay natigilan kami lahat ng may inannounce ang emcee ng event.

"Now I have an announcement! Sino nakakakilala sainyo dito tungkol sa Zorro boy's!" masiglang wika ni emcee.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon