Chapter 26 Second Life

39 15 13
                                    

Benedict's POV (Father of Athena Jane)

Hindi ko maialis alis ang paningin ko kay Arriane. Kanina lang nag- uusap kami nila Jake, Joshua at Kurt dito sa cottage. Nang biglang napamangha si Joshua sa nakita niya.

"Tignan niyo guys! Si Ate Arriane oh!" manghang wika ni Joshua.

"Wow! Ang ganda naman! Benedict tignan mo oh," manghang wika naman ni Jake sa amin, napalingon naman ako sa direction na sinasabi niya.

Nakita ko si Arriane na nakasuot itong monokini swimsuit attire sa malayo. Halos ang ganda ng hubog ng katawan niya at ang ganda niya sa itsura niya. Habang naglalakad siya papunta sa amin, bigla lumakas ang tibok ng puso ko.

Shit! Ano ba ito nararamdaman ko sa kanya, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. After seventeen years na nakalipas ngayon ko lang naramdaman ito. Lastly ko naramdaman ito nung nabubuhay pa si Harieth Jane, simula ng namatay siya hindi na tumibok ang puso ko sa iba.

Pero nang nakita ko si Arriane ngayon, kakaiba ang nararamdaman ko. My heart beats so fast and it is unstoppable. Habang palapit na palapit siya sa akin, hindi ko maiwasan matunaw sa kinauupuan ko.

Agad ibinaling ko ang attention ko sa ininom kong alak. Marahil baka lasing na siguro ako. Kung ano ano nalang nararamdaman ko.

Maya pa ay nakalapit na si Arriane sa amin.

"Wow Ate Arriane ah? Ang ganda natin ah? Kahit nasa mid-fourties na tayo, still you look so young!" manghang wika ni Samantha kay Arriane.

"Hey nasa thirty-nine palang ako ah? Grabe kayo sa fourty? Pero marami din nagsasabi na mukha talaga ako dalagang tignan, siyempre healthy lifestyle lang naman ang katapat niyan mga dear," masayang wika ni Arriane sa lahat.

"Hehehe halos tayo naman lahat dito, mukhang mga dalaga at binata tignan! Walang kupas! Hindi tumatanda! Di ba Benedict hahaha," masiglang wika naman ni Joshua.

Tumango nalang ako sa kanila sabay inom ng alak sa baso.

"Siyempre dapat maganda lang tayo pero di rin ako magpapatalo," nakita nalang namin to si Stacey na nasa likuran ni Jake. She's wearing a best swimsuit ever! Mahilig talaga siya sa red.

"Ganda at sexy talaga ng asawa ko ah? "manghang wika naman ni Jake.

" Siyempre naman dapat lang babe!" Halos nag lalambingan pa ang dalawang to sa harap namin.

Di wow! Sila na may kalambingan tss!

"Hey Benedict gusto mo swimming tayo?" pagyayaya sa akin ni Arriane sabay ngiti sa akin, napansin ko din ang kanyang magagandang ngiti.

Bakit ngayon ko lang napansin ito? May sweet smile din pala si Arriane, ngayon ko lang napansin.

"Ah eh sige sige tara?" nauutal kong wika agad hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinayaan ko nalang na sumunod ang aking katawan sa kanya.

Habang hawak niya ang aking mga kamay, may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito.

Basta ang alam ko huli ko ito naramdaman kay Harieth Jane, ngunit hindi ko inaasahan na mararamdaman ko ulit ito.

Mismo sa bestfriend ko pa na si Arriane. Habang nakaupo kami malapit sa seashore panay naman ang kwento niya ng mga masasayang alaala niya noong kabataan pa namin.

Napangiti nalang ako sa kanya, sa tuwing inaalala ko mga iyon. Masaya din pala siya kasama, everytime na nagkwekwento siya napapawi ang aking kalungkutan kay Harieth Jane.

Hindi kaya I'm think, I'm falling inlove with her na,

I'm falling inlove with my bestfriend......

Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay na kinatigil niya sa pagkwekwento.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon